Three

26.8K 521 25
                                    

Hindi ko alam kung paano ako mag-co-concentrate sa trabaho gayong magkatabi kami ng cubicle ni Cael. That space used to belong to Marcus. Gusto ko siyang ipagtabuyan at ipagduldulan sa pagmumukha niya na walang ibang taong pwedeng mamalagi sa espasyong iyon kundi si Marc lang. Ang kaso, si boss na mismo ang nagsabi na iyon na ang bago niyang pwesto sa opisina. Gusto ko na lang umiyak.

"Isma." I heard him say. Naramdaman ko na lang ang awtomatikong pag-iisa ng kilay ko ng narinig ko ang tawag niya sa akin.

I clicked my tongue and decided to ignore him, but knowing Cael. He's one persistent asshole, lalo na kapag mang-iinis.

I heard his chair rolling before I saw him moving closer to me. "Isma.." He again called, may kasabay pa iyong pangangalabit.

I shrugged his finger away and chose not to answer. "Isma–"

"Ano bang problema mo?!" Bigla kong sigaw kasabay n'on ang pagtayo ko. Lahat ng tao sa quarters napatingin sa akin. Bakas ang pagkabigla sa mukha ng katrabaho ko, kilala nila ako, I barely lose my cool.

But with Cael around, minuto pa lang sumasabog na ang butsi ko sa kanya.

Cael whistled and raised his hands as if he's retreating. "Woah! Calm down tiger, itatanong ko lang naman kung nasaan ang banyo." He said oh-so-innocently. It fucking irked the hell out of me.

'Yong tingin ng mga katrabaho ko sa akin parang nagsasabi na ang sama kong tao. Napahilot na lang ako sa sentido ko saka napaupo, may narinig na lang akong boses na nagturo kay Cael kung nasaan ang banyo.

I closed my eyes, minuto pa lang ganito na ang nangyayari sa akin. Ano na lang kapag naglaon na, kapag tumagal na ng araw? Linggo? Buwan? Ikakamatay ko ata ang presensiya niya.

Bigla na lang sumilip sila Lydia, Gaille, at Nicole sa ibabaw ng cubicle ko. Napahalinghing na lang ako. Here we go again.

"Bakit ba inis na inis ka sa kanya Era? Alam naming ayaw mo ng ka-partner pero sobra-sobra naman ata ang sigawan mo siya." That's Nicole, reprimanding me.

I rolled my eyes. Akala nila 'yon ang rason kung bakit ganito na lang ang init ng ulo ko sa lalakeng 'yon. Hindi nila alam ang impyernong sinapit ko noong College ako dahil sa kagagawan ng ipokritong 'yon.

"That's not it Nicole. Hindi iyon ang puno't dulo ng galit ko sa lalakeng 'yon. Hindi niyo ako kayang intidihin kaya 'wag niyo akong pangaralan." Tugon ko.

Narinig kong tumikhim ang isa sa kanila, pero bago pa madagdagan ang sinasabi nila narinig ko nanaman ang yabag ng papalapit na si Cael.

"Hi." Sambit nito sabay ngiti sa tatlong kababaihan na nasa harapan ko. Bakas ang kilig sa mukha nilang tatlo kaya napairap na lang ako sa kawalan.

"Hi, Gaille pala. Tapos si Lydia at Nicole." Pagpapakilala nila sabay abot ng kamay.

Hindi naman nagdalawang-isip si Cael na tanggapin mga iyon na may ngiti sa labi. Muli akong napairap sa kawalan ng nag-ipit ng tili sila Gaille.

Akala ko ba ako ang kaibigan nila? Nagpakita lang ng ngipin ang lalakeng ito halos ikamatay na nila ang kilig. I snorted before my eyes landed at Marcus' picture.

Isipin ko na lang na ang lahat ng dusang ito ay para sa fiancé ko. Alam ko naman ang mga sasabihin niya kung gising lang siya. Alam kong papalakasin niya ang loob ko at sasabihin magiging okay rin ang lahat.

Buong umaga kong hindi pinansin ang damuhong nagtratrabaho sa tabi ko. Nag-uusap lang kami kapag may katanungan siya tungkol sa project na kinabibilangan naming dalawa.

Stonehearts 5: EmeraldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon