Eight

23.5K 551 55
                                    

          

Hi kila krstnrdrgz, cthrnhwkns, TShieMhey, joycejlg. Hihihi

--

Walang imik akong bumaba sa sasakyan niya, hindi ko na hinintay pang pagbuksan niya ako ng pinto. Nagwawala kasi ang puso ko sa tanan ng biyahe namin papunta sa restaurant kung saan namin kikitain ang kliyente.

Gusto kong iuntog ang sarili ko kanina sa dashboard ng sasakyan niya. I shouldn't be feeling this way towards Cael. What I feel for him was way overdue. Sobrang tagal na no'n, college pa kami. Anong petsa na ngayon? I'm a twenty eight year old architect and I am happily engaged to an amazing man. Illegal na itong atraksyon na ito. Hindi ito tama.

Napahilamos ako sa mukha ko bago ako tuluyang pumasok sa restaurant. Sinuyod ko ang buong lugar bago tumama ang mata ko sa isang may katandaan ng lalake na kumakaway.

He must be Mr. Velasco. Hindi naman niya ako kakawayan kung hindi siya iyon. Ngunit bago pa ako makalapit naunahan na ako ni Cael.

May malapad na ngiti ito sa mukha bago lumapit. "Ninong John!" Bati nito sabay akap nito sa kanya.

Naiwan ako sa kinatatayuan ko habang nakanganga. The old man patted his shoulders before he broke the hug. Then both of them settled their gaze at me.

"So she's the one?" Mr. Velasco muttered his smile reaching his eyes. My heart pounded at those words. The one? What does he mean 'the one'?

"Yes ninong, the one and only..." Saka tumikhim si Cael. "Architect Emerald Vinluan." Tugon niya sabay kindat sa akin.

Napakurap ako ng ilang beses bago ako nilapitan ni Cael. Pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa bago niya ako hinatak paupo sa sofa sa harap ni Mr. Velasco, na Ninong niya.

"You're very pretty Ms. Vinluan." Bati sa akin ni Mr. Velasco bago dumako ang titig niya kay Cael na ngiting-ngiti sa tabi ko. "Kaya naman pala." Dagdag niya.

Kaya naman pala ano?

Gusto kong magtanong, ngunit natatakot din ako sa sagot.

Muling tumikhim si Cael bago binuklat ang folder na bitbit niya. "Anyway ninong, may mga proposals kami sa magiging itsura ng subdivision na gusto mong itayo. Isma and her fellow architects did atleast seven designs for you to choose from."

Isa-isa niyang nilatag ang mga plates na ginawa namin. Tumatango-tango lang si Mr. Velasco, paminsan-minsan kinakausap niya ang secretary niya at nagtatanong ng opinyon.

Habang busy sila, umayos ako ng upo at inilapit ang bibig ko sa tenga ni Cael.

"Bakit hindi mo sinabi na ninong mo pala si Mr. Velasco?" I asked in an irked manner.

Mabilis niya akong nilingon, kaya napaatras ako agad. Kamuntikan ko na siyang mahalikan. Naramdaman ko ang mabilis kong pamumula na ikinatawa niya ng mahina.

"Hindi ka naman nagtanong Isma." Nanunudyo niyang sagot.

I raised on brow at him, ready to throw another argument but Mr. Velasco stole all the attention.

"Buti at pumayag pala ang daddy mo na hindi ka sa itaas magtrabaho, hijo?" Tugon nito na hindi ginagawian ng tingin si Cael. Busy kasi siyang ilipat ang pahina ng mga plates sa harap niya.

Sumandal sa sofa si Cael habang nakatingin sa ninong niya bago siya nagkibit balikat. "Alam kasi nila na hindi ako magaling sa office work ninong. Saka nang pinatapon kasi nila ako sa London, na-enjoy ko ang pagiging engineer. Para saan pa't tinapos ko ang kurso ko kung hindi ko pala pakikinabangan."

Stonehearts 5: EmeraldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon