Four

23.5K 463 9
                                    

"Isma.." Napahalinghing ako nang narinig ko ang boses ni Cael sa 'di kalayuan. Parang gusto ko nanamang magkulong sa mga cubicle sa ladies' restroom at umiyak.

Kaninang umaga, sa Philippine History Class namin, napag-trip-an nanaman ako nila Cael at ng mga katropa nila. Itinali nila ang strap ng bag ko sa upuan ng hindi ko nalalaman, kaya noong dismissal na sa klase, pwersa akong napaupo gawa nang pagkakagapos ng bag ko sa silya.

Tapos sa General Alegbra na klase naman namin, hindi na nila pinatawad ang bag ko at tuluyan na nilang ginunting ang strap noon. Kaya wala akong nagawa kundi mag-lock sa banyo at humagulgol. Ano ba namang laban ko sa pinakamaimpluwensiyang estudyante sa university namin?

"Charisma...Sorry na... We got carried away with our prank." Malambing na tugon ni Cael sa likuran ng pinto ng locker ko. Napabuntong-hininga ako at padabog na binagsag ang pintuan ng locker ko.

Nakita ko naman ang bakas ng pagsisisi sa mga kulay kape na mata niya ng nakita niyang mugto at maga ang akin.

"Bakit ba kasi lagi niyo akong nagpag-tri-trip-an? Ano bang ginawa ko sa'yo, ha? Sa inyo?" Lakas-loob kong tanong kahit mapiyok-piyok na ako sa pagsagot ko sa kanya.

Matagal niya akong tinignan bago gumihit ang maganda niyang ngiti sa mukha. Tumalon ang puso ko nang nakita ko iyon pero sinikap kong hindi magpaapekto.

Saka siya umiling sabay abot sa kamay ko. May pinatong siyang oroes na naka-ziplock. Oreos.

"'Diba paborito mo 'to? Lagi kang kumakain nito sa klase." Tugon niya habang parehas kaming nakatitig sa ziplock na inilagay niya sa palad ko.

Gusto kong magtatatalon sa tuwa, para akong kinikilig na ewan.

Naramdaman ko na lang ang biglang pag-init ng pisngi ko sa ginawa niya. Maybe, he's sincere about his apology. Nasilayan ko nanaman ang mapilyo niyang ngiti dahil sa naging reaksyon ko.

"Sige na, kainin mo na." Udyok niya sa akin,.

Napatango na lang sabay bukas binigay niyang supot ng pagkain. Hindi ko rin maitindihan kung bakit hindi pa siya umaalis sa harapan ko. Nagiging sentro na kami ng atensyon ng mga estudyante sa hallway.

Sino ba naman kasi ako para lapitan ng isang Climente Aldous Esteves Loyzaga? Isa sa miyembro ng official band ng unibersidad kung saan kami kabilang.

"Salamat..umm..s-salamat sa oroes." I thanked him with my blushing cheeks. Tumango lang siya at sumandal sa locker ko habang pinapanood ako ng mariin.

I took one oreo and immediately bite onto it. Ilang beses pa akong napalunok dahil sa pagtitig niya sa akin. I started chewing it and then I started to taste something different.

Napakunot ako ng noo habang patuloy sa pag-nguya. Parang may mali...It taste weird...It taste minty...I chewed some more, then it dawned on me. Bigla akong napadura sa oreos na kinakain ko saka ko inamoy ang palaman no'n.

Nagsimulang humalakhak si Cael.

Toothpaste! He freaking replaced the vanilla filling with toothpaste!

Saka isa-isang lumapit sa kanya ang mga barkada niya na patago palang nagmamasid sa magiging reaksyon ko. Pare-parehas silang halos hindi magkandaugaga sa katatawa.

Bakit ba kasi ako umasang mag-so-sorry at magbabago na sila?

Tinapon ko sa mukha ni Cael ang ziplock na inabot niya sa akin saka ako tumakbong umiiyak palayo sa kanya at sa barkada niya.

Stonehearts 5: EmeraldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon