Chapter 1: Savior
|Zaya's Point Of View|
Hindi ako makatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip ng aking magiging kapalaran dito sa Death University. I'll die here anytime! Walang pinipiling oras ang kamatayan.
Mapupula ang mga mata ko ng tignan ko ang itsura ko sa salamin dahil sa iyak ako ng iyak.
Naligo na lamang ako para maibsan ang sakit na nararamdaman ko. May klase ako ngayon. Kahapon, binigay sa akin ni Madame Selina ang schedule ko.
Nagsuot lamang ako ng denim jeans at t-shirt. Nagsuot din ako ng blazer.
First period ng klase ko ay English. Pumunta na ako sa room kung saan ako nailagay.
Pagpasok ko sa pintuan, nakuha ko kaagad ang atensyon ng mga estudyante. May nagbubulung-bulungan pa. Wala pa ang prof dito.
"Tsk, newbie," Sarkastikong sabi ng isang babae na maputi, makinis ang balat, may mahabang buhok, at nakasuot siya ng dress. Nag-walk out ang babae pagkatapos niyang magtaray sa akin.
Bitch. The hell I care about you.
"Bago na naman. Mamamatay lang din yan." Sabi ng isa pang babae sa kanyang mga kasama.
Kumukulo ngayon ang dugo ko sa babaeng nagsalita. Sigurado akong mauuna ka pang mamamatay sa ating dalawa!
At dahil sa naiirita ako, biglang nagpakita ng maiitim na ulap ang langit. What the heck? Why so weird?
But she has a point, though. Mamamatay lang din naman ako dito. Mamamatay lamang ako dito sa impyernong napasukan ko.
Dumating na ang prof at naagaw ko ang atensyon niya.
"Oh, you must be the newbie? I'm Mrs. Cassandra Suldivar, your English teacher. You're Zaya Dawnt, right?" Sabi niya na may ngiti sa labi.
"Y-Yes I am, ma'am."
"Okay, before we proceed to our discussion, meet Miss Zaya Demerine Dawnt, a new student here in DU," Pag-introduce ni Prof. "Okay, let's now proceed to our discussion."
*****
Pagkatapos ng boring na klase, naglakad na ako patungong canteen. Habang naglalakad ako, maraming tumititig sa akin. Marami ring nagbubulungan.
"Bago yata,"
"Konting panahon lang ang itatagal niyan dito,"
"Makikita na lang natin iyan na may kadena nang nakabalot sa palapulsuhan,"
'Yan ang mga narinig kong sabi nila. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
Malapit na akong makaabot sa cafeteria ng naagaw ng atensyon ko ang mga estudyante na nagsi-bulungan sa malayo. Mukhang meron silang tinitignan.
Pumunta ako patungo sa direksyon nila at nakita ko doon ang kaawa-awang tao na patay na. May kadena ito sa palapulsuhan at ang kadena ay parang balot ng lava.
Napatakip ako sa bibig ko. Damn it! Mga demonyo talaga sila! Wala silang awa! Walang halaga sa kanila ang buhay ng tao!
Pinanuod kong hilahin ng mga naka-cloak ang taong patay na. Nakakaawa talaga. Mga walang konsensya! Mga demonyo!
Pumunta na ako sa cafeteria na nanginginig. Iniisip ko, paano kaya kung mangyari din sa akin ang nangyari sa kalunos-lunos na tao na 'yon?
Kinakabahan talaga ako ng sobra. Nanginginig ako. Parang kahit anong oras man, babagsak ako dahil sa kaba.
Umupo ako sa upuan ng cafeteria. Wala sa sarili kong kinain ang pagkaing binili.
"I haven't seen you before. Bago ka ba rito?" Nagulat ako ng umupo sa harapang upuan ang isang babaeng parang ka-edad ko rin. Hanggang balikat ang kanyang itim na buhok. Maganda siya.
"U-Uhh, oo." Nauutal kong sagot.
"I'm Julia. Ikaw, ano ang pangalan mo?" Nakangiting tanong niya sa akin.
Mukhang mabait naman siya.
"I-I'm Zaya."
"Zaya, pwede bang friends na tayo?" Tanong niya sa akin na nakangiti at nag-puppy eyes pa.
Mapagkakatiwalaan naman siya siguro. Tutal, wala naman akong kahit sinong kaibigan dito.
"O-Okay," Sagot ko.
"Talaga? Thank you!" Yayakapin niya na sana ako ng nagpakita si Madame Selina.
"Julia Danais, sumama ka muna sa akin." Seryosong sabi ni Madame. Kinakabahan ako. Baka may balak siyang patayin si Julia! Hindi pwede!
"Okay. Umm, Zaya, alis muna ako. Kita na lang tayo, ah?" Nakangiting sabi ni Julia.
Tumango lang ako bilang sagot. Pipigilan ko sana siyang sumama kay Madame Selina pero who am I? I'm just a newbie here, and I am just an ordinary girl. I am not powerful.
Nang naghapon na, pumunta na kaagad ako sa tinutuluyan ko. Natatakot ako.
*****
Gabi na at parang nacu-curious ako kung ano na ang nangyayari sa labas. Parang gusto kong lumabas at tignan. Kaya lang, baka hindi na ako makabalik. Baka mamamatay na ako.
Napagdesisyunan kong lumabas ng tinutuluyan ko. Pinihit ko muna ang doorknob. Nanginginig ang kamay ko.
'Come on, Zaya! Be tough!' Sabi ko sa utak ko. Nang nakalabas na ako, naramdaman ko kaagad ang malamig na simoy ng hangin na dumampi sa balat ko.
Damn, I have no weapon!
Nang naglakad-lakad ako, may tumambad na lalake sa harap ko at may dala siya kutsilyo na balot ng lava.
Kinakabahan ako ng sobra. Napa-atras ako. Pero sa pag-atras ko, papalapit ng papalit sa akin ang lalakeng hindi ko kilala.
Lord, ikaw na lang ang bahala sa akin.
Pumikit na lang ako at may luhang lumandas mula sa mga mata ko. Pero may malakas na kalabog ang pumukaw sa akin mula sa pagpikit.
Pagdilat ko ng aking mga mata, tumambad sa akin ang lalake na kanina'y nagtangkang patayin ako. Nakahilata siya sa sahig. He screamed in pain. May kadena na nakapalibot sa kanyang braso.
Unti-unti na siyang namamatay...
Tumingala ako sa lalakeng naglagay ng kadena. Dirty blonde ang kulay ng buhok niya at ang mga mata niya ay kulay brown. 'Di ko maiwasang mamangha sa kanyang mga mata sapagkat ang ganda nito.
"S-Sino ka? Bakit mo ako niligtas?" Tanong ko sa kanya at bumuhos na ang mga luha ko. Akala ko talaga mamamatay na ako.
"Hindi kita niligtas. Sayang ka naman kasi. Bago ka palang dito tapos mamamatay ka na." He said with a smirk. Umiling siya pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang binitawan niya.
Mukhang arogante ang lalakeng ito! But still, he's my savior.
"Mr. Pres, tama na po yan. Baka mapahamak po kayo. Kami na ang bahala sa nakahilatang lalakeng iyan." Sabi ng isang naka-cloak at yumuko ito sa lalakeng lumigtas sa akin.
Pres? Pres ba ang pangalan ng lalaking tumulong sa akin? Bakit nagbigay pugay pa ang naka-cloak? Ano ba siya rito?
-
Pronunciation of Danais:
(Da-na-yis)
BINABASA MO ANG
Death University
Mystery / ThrillerZaya chose to run away from home with nowhere to go. After a long drive with her car, she stopped in front of a big old building, which turned out to be a school. When she entered, the truths started to unravel before her, and she meets the face of...