Chapter 24: Delicious
'Use this golden knife to protect yourself. Huwag mong kalimutang dalhin palagi.'
What the heck? Kanino naman kaya galing 'to? Ngayon, matindi ang kabog ng aking dibdib. Hinanap ko ang pangalan ng nagbigay sa papel, pero ni pangalan niya ay wala! Sino ba ang nagbigay nito? Nananaginip ba ako?
Hinawakan ko ang gintong kutsilyo at hindi nga ako nananaginip. This is real. I feel that this golden knife is curved from real gold. And this knife is shining as if it's newly-polished.
I can't believe that I'm holding this weapon right now! Damn! Pero talagang inaantok ako. Parang nabuhay lamang ng kaunti ang aking sistema dahil sa pagkabigla. Parang gusto ng pumikit ng mga mata ko. I just felt my eyelids closing...
*****
Kinabukasan, paggising ko, tumayo kaagad ako mula sa pagkakahiga at tinignan ko ang bedside table ko. So it was really true? Totoong may kutsilyo dito sa bedside table ko? Hindi pala panaginip.
Hinawakan ko ang gintong kutsilyo na binigay ng kung sino man. I touched the edge of the knif, and it's really sharp.
I diverted my attention to the other bed, which is Julia's. Nakita ko siya na mahimbing pa rin ang tulog. And gosh, five pa lang ng umaga! Bakit naman maaga akong nagising? Dapat natutulog pa ako ngayon, eh! Kailangang kong lubus-lubusin itong oras na meron ako dahil wala akong klase sa first period class.
After sleeping a bit more, I woke up and it's 7 already. 8:30 pa yung next class ko kaya may oras pa akong gawin ang gusto kong gawin. Tumayo na ako sa pagkakahiga at napag-desisyunan kong maligo na, pero nang makapunta ako sa harap ng banyo ay nadinig ko ang agos ng tubig sa loob.
Naliligo na sa loob si Julia. Mamaya na lang ako maliligo pagkatapos niya at oo nga pala dahil hindi vacant ang first period niya, kaya ang aga niya na ngayon. At masaya akong bumalik na siya rito. The dorm feels empty without her.
Napag-desisyunan ko munang magluto ng almusal namin. I went to the kitchen, and I opened the fridge. Konti na lang ang stock ng pagkain. Makabili nga mamaya. Meron din kasi ritong food shop. And whenever we buy something, we use money to pay for it. Meron akong 10K cash na dala 'nung naglayas ako sa bahay. And I used my money to buy my needs here.
At dito sa Death University, binibigyan kami ng 3K cash every month. Believe me. Kasi naman diba, hindi na kami makakalabas mula sa impyernong ito, kaya paanong makaka-produce kami ng pera?
This school gives three thousand pesos to every student each month. pero sayang lang ang perang natanggap ng estudyante kung mamamatay naman 'to. Yeah, binibigyan ka nga ng pera ng paaralang ito, pero nasa alanganin naman ang buhay mo. But still, Lubus-lubusin mo na lang ang natitira mong oras dito habang nabubuhay ka. Try to prolong your life.
Nagluto ako ng bacon at sunny side up eggs. Bakit ang sarap ng bacon? Masarap talaga ang bacon at ito ang paborito kong kainin sa almusal. It's not good to often eat it though, kaya nga twice a week lang ako kumakain nito.
Pagkatapos kong magluto ay inilagay ko na sa plato ang aking niluto at inilapag ko ito sa hapag-kainan.
Bumukas ang banyo at nakita ko si Julia na nakasuot ng black jumpsuit niya.
"Kumain na tayo, Juls." Yaya ko sabay upo na.
Habang kumakain kami ng almusal, naalala ko muli ang mga pangyayari. Una, nakapatay ako. Pangalawa, sino naman ang nagbigay ng gintong kutsilyo na iyon?
"Julia, nabigyan mo ba ako ng isang bagay kahapon?" Tanong ko sa kanya.
Natigil siya sa pag-kain para maharap ako."Bagay? Anong bagay? Wala naman?"
BINABASA MO ANG
Death University
Mystery / ThrillerZaya chose to run away from home with nowhere to go. After a long drive with her car, she stopped in front of a big old building, which turned out to be a school. When she entered, the truths started to unravel before her, and she meets the face of...