Chapter 40: Feelings
Wala akong ginawa kundi hayaan si MK na tumulong sa'kin. He's so stubborn and he really wants to help me kaya wala akong choice kundi hayaan na lamang siya! He's one hard-headed guy!
After I did—I mean after we did the laundry, I made peanut butter sandwiches. Nagtimpla rin ako ng orange juice. Nang matapos ko ng magawa ang sandwiches at juice, dinala ko na agad ang mga ito sa sala kung saan siya.
Nakita ko siyang nakahiga sa couch at nakapikit. Mukhang pagod din siya katulad ko. Sana kasi hindi niya na lang ako tinulungan ayan tuloy, napagod siya. Nahihiya tuloy ako sa kanya.
"Kumain ka na, MK." Sabi ko sa kanya at agad naman siyang dumilat at bumangon mula sa pagkakahiga. Umupo siya ng tuwid.
Nilapag ko na ang dala kong pitsel ng orange juice at plato na may peanut butter sandwiches. Bumalik ako sa kusina para kumuha ng dalawang baso at agad akong bumalik sa sala at naupo na ako.
I immediately dug in. I made five peanut butter sandwiches in total. Sinalinan niya ang mga baso namin ng juice.
"Thanks for the food,"
"Walang anuman. Sana hindi mo na lang ako tinulungan. Kaya ko naman 'yun." Sabi ko. I feel guilty right now. Ayan tuloy napagod siya dahil sa tinulungan pa niya ako!
"It's nothing. Hindi naman ako napagod ng husto. And I just want to help, just like what you did when I was... drunk." He said and I can feel that he was ashamed when he said the last word.
"Bakit ka ba kasi uminom, ha? Problema sa babae?" Shit, why did that come out of my mouth?!
Dahil sa sinabi ko, natigilan siya. Problema nga siguro talaga sa babae. Sino naman kaya 'yung babae na 'yun? She's lucky, I must say. Nakabihag siya ng isang MK. Teka, ano ba 'tong iniisip ko? Hindi na talaga tama 'to!
"Zaya, are you okay?" Tanong ni MK na siyang nagpabalik sa akin sa aking huwisyo.
"O-Oo naman. Bakit naman hindi, diba?" Nautal pa ako! Damn! "So, bakit ka nga naglasing? Problema sa babae?"
"No, it's not. I just went to have a drink to cool down my stressed mind."
Stressed mind? Bakit naman siya mas-stress? Ano ang pinagkaka-abalahan niya? Well, I shouldn't care anyhow.
"Sandali, I can really observe something... Bakit hindi kita nakikita sa mga classrooms? At hindi rin tayo magkaklase. Hindi ka ba nag-aaral? Imposible naman siguro 'yun!" Sabi ko nang maisip ang tungkol doon.
He chuckled. "Well, you... just don't notice me."
"Nag-aaral ka ba talaga?" Pangungusisa ko pa.
He chuckled again. "Hindi mo lang talaga napapansin. 'Yung schedule ko... siguro ibang-iba lang sa schedule mo."
Tumango-tango ako. Oo nga, baka siguro ibang-iba 'yung schedule ko sa schedule niya. At baka nga magkaklase pa sila ni Selton oh kaya ni Godwin.
*****
Weekend passed by in a blur. At eto, weekdays na naman. Walang semestral break dito. Aral ng aral hanggang sa oras mo nang mamatay. So fun, right? So damn fun, insert the sarcasm.
Naalala ko ang nangyari 'nung nasa dorm namin si MK. He even stayed for lunch and dinner, for Pete's sake! Akala ko aalis na siya pagkatapos naming kumain ng peanut butter sandwich at pagkatapos uminom ng juice pero Julia invited him for lunch and dinner! Hindi naman sa ayaw ko siyang patuluyin pero ang awkward lang kasi. At apat kami 'yung nasa dorm that time. Ako, si MK, si Julia, at tsaka si Godwin. Doon rin nananghalian si Godwin at hindi na siya nagulat na nandoon si MK! Baka sinabihan na siya ni Julia na may kasama pa kami na iba. After lunch, umalis na si Godwin dahil tinutulungan niya ang nanay niya na si Mrs. Evelyn Kang na maayos ang files na inaatupag nito.
BINABASA MO ANG
Death University
Mystery / ThrillerZaya chose to run away from home with nowhere to go. After a long drive with her car, she stopped in front of a big old building, which turned out to be a school. When she entered, the truths started to unravel before her, and she meets the face of...