Chapter 39

2.4K 78 5
                                    

Chapter 39: Wildly

Patapos na ako sa pagluluto nang marinig kong may mahinang nag-uusap sa sala. Who is MK talking to? Baka si Julia ang kinakausap niya. Syempre, sino pa ba? Kaming tatlo lang naman ang nandito. Pero ano kaya ang pinag-uusapan nila? Hindi naman sila magkakilala talaga. Normal lang siguro na kilala ni MK si Julia dahil syempre, officer siya rito. Kinukumusta siguro ni Julia si MK tungkol sa pakiramdam niya. He drank a lot last night! Pero curious talaga ako kung bakit uminom si MK ng marami. And based on the smell, he drank Jack Daniels! It's an expensive alcohol at ganoon na ba talaga siya kayaman?! Well, you can see that he's rich when you see his whole dorm. He has chandeliers inside! And I do believe that those chandeliers he has, are really made of real gold and diamonds! Where the heck did he even get those?!

Nang matapos na akong magsaing at magluto ng ulam, I served it carefully in a plate. I don't know why I'm being careful, darn it! Naninibago lang talaga siguro ako dahil may ibang taong andito sa dorm, maliban na kay Julia at Godwin. This is the first time that MK came here.

"Zee, tulungan na kita. I'll get the plates and the utensils." Sabi ni Julia na kakarating lang dito sa kusina.

I just nodded at her and I brought the food to the dining table.

Nahagip agad ng mga mata ko si MK na nakaupo na. Maybe Julia already told him to sit. Julia organized the plates and the utensils on the table.

"Kain ka na," Sabi ko kay MK.

He just nodded his head and said, "Thank you,"

Naupo na rin kami ni Julia sa kanya-kanya naming upuan. And we ate breakfast, silently. No one tried to speak. Kami ni Julia, when we eat, we talk about a lot of things. Pero ngayon, sobrang tahimik namin. It's just so awkward to be with MK. 'Nung nakitulog nga ako sa bahay niya, at kumain kami, hindi rin ako nag-ingay. Ang awkward lang talaga kasi kapag kasama ko siya. And how could I talk to him when I don't know him too well? We're not that close. Hell, we're not even friends.

Oo nga pala, it's Saturday today and there's no class. Kaya, dito lang kaming dalawa ni Julia sa dorm buong magdamag.

Pagkatapos naming kumain ng umagahan, kinuha ko na ang mga plato namin para mahugasan ko. Pero bago pa ako makapunta sa lababo, may kamay na pumigil sa'kin. And it was MK's hand. He's holding my wrist.

"W-What are you doing?" Tanong ko at tinanggal ang hawak niya sa palapulsuhan ko.

"Let me,"

"Kaya ko naman—"

"I want to help. I insist, Zaya. Pabigla-bigla lang akong sumulpot dito kagabi. And I'm sorry for that... At least let me do this."

"O-Okay fine," Hinayaan ko na lang siya para matapos na.

Dumiretso na siya sa lababo upang mahugasan ang mga plato namin. And why does he look hot while doing the dishes? Shuta, ano ba 'tong naiisip ko?

Napailing ako at agad na nag-iwas ng tingin. Pinunasan ko na lang ang mesa at si Julia naman, pinunasan niya ang gilid ng lababo, which is made of tiles. Hinayaan naman siya ni MK na magpunas. Eh ako, kung diyan ba ako magpupunas hahayaan niya rin ako? Well, whatever. Why am I thinking of this anyway?

Nang matapos na akong magpunas ng mesa, inayos ko na ang mga place mat. Napagdesisyunan ko na ring maglaba. Last time, Julia was the one who did the laundry. Ako naman ngayon. We just take turns with the chores.

Here in Death University, walang laundry shop. Dapat kusa kang maglaba ng iyong mga damit. In each dorm, there is a washing machine that can be used. So yeah, I'll be doing the laundry today.

Death UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon