Chapter 31

2.7K 105 8
                                    

Chapter 31: Stop

Nagising ako dahil sa ingay ng malakas na pagbuhos ng ulan. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata para maging malinaw ang paligid.

Nang magising na ng tuluyan ang diwa ko, nagitla ako at napaupo. Shit, where am I?! Nasa isang kama ako ngayon at kulay puti ang bedsheet nito, gray ang kumot, at kulay puti ang mga unan. I can smell the muscular scent all over the bed. Wait... where the hell am I?

Shit, did I get raped?! Oh my God!

Agad-agad kong kinapa ang buong katawan ko para malaman kung may damit ako. And thank God, meron! But whose bedroom am I in? Kaninong kwarto 'to? Batay sa pag-amoy ko sa mga unan, kwarto ito ng lalake! Shit!

Inamoy-amoy ko ulit ang unan and the scent is very familiar. Umalis ako mula sa kama at inayos ko ang aking sarili bago lumabas ng kwarto ni lalakeng-hindi-ko-alam-kung-sino.

Nang nakalabas na ako ng kwarto ni lalakeng-hindi-ko-alam-kung-sino, maingat at nanginginig kong isinara ang pinto ng kwarto.

Tinignan ko ang kabuuan ng dorm niya at na-realize ko na kung nasaan ako.

I'm here at MK's dorm!

Ang kaba sa puso ko ay unti-unting nawawala. Bakit nawala ang kaba sa dibdib ko? Bakit nang nalaman kong nasa dorm pala ako ni MK, bakit nawala 'yung takot ko?

Maingat akong bumaba sa hagdan at nakita ko si MK na may niluluto sa kusina.

Nang nakababa na ako ng tuluyan, nalanghap ko kaagad ang masarap na amoy ng chicken soup. Sandali... Why is the smell of the chicken soup so familiar?

Nang mukhang naramdaman ako ni MK na nasa likod niya ako, he immediately turned to me and gosh, I couldn't believe I will say that he looks like a Greek God! Parang si Selton lang, eh. Selton looks like a God too based on his looks. Habulin pa naman ng mga babae 'yun. I think habulin din ng mga babae 'tong si MK. He looks so attractive with his white long-sleeved polo!

Gosh, Zaya, are you drooling?! I immediately snapped out of it.

"That's a good thing that you're awake para makakain ka na. I need to talk to you, but before that, eat this chicken soup first." Malamig  niyang sabi. Shit, ano na naman ang pagkakamali ko para tratuhin niya ako ng ganito?

"A-Aalis na ko," Mahina kong sabi.

Tumiim naman ang kanyang bagang. "No, you won't leave. The rain is pouring so hard."

"K-Kaya ko naman 'tong ulan, eh." Sabi ko at nang nakita kong may galit sa nga mata niya, napayuko kaagad ako. Shit.

"Zaya, nahimatay ka kanina! Tapos kung hahayaan kitang umalis ngayon, magkakalagnat ka!" His voice raised.

Nararamdaman kong nag-aalala siya pero hindi ako sigurado kung nag-aalala talaga siya o pakiramdam ko lang 'yun.

"Just eat, Zaya. We will talk after you eat." Sabi niya sabay turo sa chicken soup sa lamesa.

"O-Okay. T-Thank you." Sabi ko at umupo na ako sa upuan para kumain ng chicken soup na niluto niya.

Nang tinikman ko ang chicken soup, wow, the taste is so familiar! At ang sarap talaga! Parang natikman ko na 'to dati! Hindi ko lang maalala kung saan ko 'to natikman.

Ilang minuto ang nakalipas nang natapos kong kainin ang chicken soup and as in, walang natira! Simot na simot ko ang bowl kasi nga ang sarap talaga!

Hinugasan ko ang pinagkainan ko at kumuha ako ng baso tsaka nilagyan ng tubig. Pumunta na kaagad ako sa living room ni MK kung saan siya ngayon. Nakaupo siya sa sofa at naka-dekwatro pa.

Death UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon