Chapter 5

5.1K 171 17
                                    

Chapter 5: Book

"Are you kidding me right now?! Please tell me that you are!" Gulat na gulat ako sa nalaman!

"Hindi ako nagbibiro, I promise! Bakit, ano bang akala mo?"

"All this time, ang paniniwala ko ay matanda na ang presidente ng DU, eh 'yun pala, binata pa?!"

"Grabe ka rin, 'no! Akala mo lahat ng presidente matanda. But now you know, may binatang presidente, Zaya. They exist."

"Grabe, I'm imagining that your brother is ruling this hell of a school! Is he good at handling things?"

"Oo kaya! Pero may pagka-strikto nga lang siya. Kaya nga walang nakikipag-kaibigan sa akin eh kasi natatakot sila sa kapatid ko."

"Paano ba naging president ang kuya mo?"

"He just proved that he is a great ruler. Nang makita nina Madame Selina na ibang klase at may kakayahan talaga si Kuya na maging isang presidente, Madame Selina and the rest of the crew made my brother the President of DU." Paliwanag niya.

Wow ha! Ano kaya ang itsura ng presidente? Is he good-looking?

"Grabe naman pala. Ang cool, ah? Pero bakit niya ba gustong maging isang presidente?"

Lumapit si Julia sa akin, and she whispered, "To set us all free."

Nagulat ako sa sinabi niya. But I have a lot of 'buts' in my head right now. "To set us all free? Pero bakit maraming estudyante ang namamatay? Bakit hinahayaan ng kuya mo na mangyari 'yon?"

"My brother isn't perfect. Meron din siyang hindi magawa. Hindi maaasahan na may mamamatay. Kahit anong oras, may pwedeng mamatay."

Yeah, though. Wala namang perpektong tao sa mundo. At kaya pala pinapatawag palagi si Julia sa opisina ni Madame Selina dahil presidente ang kuya niya.

Magsasalita na sana ako nang may kumatok sa pintuan. Kinabahan ako. Wala naman kasing kumakatok sa pintuan ng dorm maliban sa aming dalawa ni Julia.

"Ako na," Sabi ni Julia at pumunta siya sa pintuan ng dorm at dahang-dahang binuksan ito.

"Miss Julia, pinapatawag po kayo ng kuya niyo." Sabi ng naka-cloak. Akala ko kung sino na. Isang naka-cloak lang pala.

"Sige, sabihin mo sa kanyang papunta na ako." Sagot ni Julia na ikinatango lamang ng naka-cloak. "Aalis muna ako, Zaya. Babalik ako kaagad."

"Mag-ingat ka,"

*****

Nandito ako ngayon sa library at magbabasa muna ako ng mga libro dahil wala naman ang teacher namin for this period. Marami ring mga estudyante ang narito at nagbabasa.

May nakita akong libro ni Nicholas Sparks. 'Yun ang binasa ko. I love reading his books.

Pagkatapos kong magpalipas ng oras sa pag-upo at pagbasa ng libro, napag-desisyunan ko na pumunta sa pinakasulok ng library dahil gusto kong makita ang ibang libro roon.

The sound of my footsteps is the only sound I can hear. Habang naglalakad, I felt like I stepped on something unusual.

I looked down the floor, and I saw a square-like little door. Huh? What is this? Nilibot ko ang tingin. Walang tao. Ako lang ang nandito.

I slowly opened the little square door, and I was shocked to see a thick book. What is this all about?

Kinuha ko iyon. I wiped it first with my hand, dahil puno ito ng alikabok at kuminang ito! Tangka kong bubuksan ang libro ngunit nakadinig ako ng mga yapak. I immediately closed the square door at nagtago ako sa likod ng isang bookshelf na puno ng mga libro.

Kinakabahan ako ng sobra-sobra. I am trembling like hell! Please, please, sana hindi ako makita!

And after a while, I heard the footsteps walking away. Phew, that was close, Zaya! Mabuti at hindi ka nahuli! Dahil kung nahuli ka, siguradong papatayin ka 'nung nakahuli sayo!

Tinago ko sa aking bag ang libro na nakita ko. I have to know what writings are inside the book. Hindi ko alam kung bakit curious na curious ako.

Pasimple akong lumabas sa library at pumunta na ako sa cafeteria. I bought french fries and a drink.

Hindi ako mapakali. Bakit kaya tinago ang librong iyon? Mahalaga ba 'yon?

"Hoy, Zaya!" Naputol ang aking pag-iisip nang nagpakita si Julia sa harap ko.

"U-Uy, Julia!" Sabi ko at umupo ako ng tuwid.

"Kanina mo pa ko nakikitang kumakaway sayo pero parang wala kang imik kaya lumapit na lang ako. May problema ba?"

"Walang problema. May naiisip lang kasi ako."

"Kung may gusto ka mang linawin, nandito lang ako at kung may problema ka, nandito lang rin ako. Dadamayan kita."

"Thank you, Julia."

*****

Nandito kami ngayon sa dorm at nag-uusap lang. Pumunta si Julia sa kusina at nagluto ng popcorn.

Naalala ko ang libro na nakita ko sa sulok ng library. Kanina ko pa gustong buksan. Kaya kinuha ko sa bag ko at pinaypay ko ang mga natitirang alikabok.

Binuksan ko ang libro at laking gulat ko nang makita ang mga pahina. They are golden-colored pages at hindi ito maalikabok sa loob! Ang linis 'nung mga pahina! Pero 'yung front cover, ang daming alikabok. How weird. I touched the pages, and it glowed.

Wow, I haven't seen this kind of book before! This is so magical!

'THE RAREST POWER'

'Yan ang nakalagay sa unang pahina ng aklat. 'The Rarest Power'? Is this some kind of fairy tale book? Ang gara at ang misteryoso ng libro, pero fairy tale lang 'yung laman. Anong power power?

I turned to the next page of the book.

'This book is about the explanation of the rarest power. Only TWO people have this power. The one who has this kind of power is special and gifted. This is the most spectacular gift a person could receive. The person who has this power has a big role in this world. If the gifted person who has this special power hasn't discovered it yet, he/she will discover it slowly but surely.

To the one who is gifted with this special power, take care of it and control it. Use your power wisely, because this power is so dangerous. Use this power, the right way, because if you don't, this power will consume your whole being.'

'Yan ang nabasa ko and the rest, hindi ko na mabasa dahil hindi ko maintindihan ang pagkakasulat.

Damn! It feels so real to me. Is this some kind of fairy tale? Or is this true? And whoever has this power, I think he or she is so damn lucky... The book said that the power is rare and only two humans can have this! Also, the book says that this is the most spectacular gift a person could receive!

I have to know if what's written in this book is true. I need to learn more about it.

-

Death UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon