Chapter 55

1.6K 49 7
                                    

Chapter 55: Love Him

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Ayokong ipakita sa kanya ang totoo kong nararamdaman pero paano ko ito matatago kung ganito ang ginagawa niya? Paano ko maitatago ang nararamdaman ko kung ganito siya makaasta? Damn it.

"D-Dark, bakit ako? Hindi ko maiwasang magtanong sa kaniya.

"Because you're extraordinary,"

Hindi ko na kaya ang puso ko. Parang sasabog na. Pero kahit ganon ang nararamdaman ko ngayon, tinago ko iyon at pinakatitigan siya.

"Hindi ako extraordinary, Dark. Ano ba naman ang nakita mo sa akin?"

"Don't question my feelings, Zaya Demerine. I love everything about you..."

May tumulong luha mula sa mata ko. Hindi ko napigilan ang emosyon. What did I do to deserve him?

"Hey, don't cry." Sabi niya at pinunasan ang luha ko.

"Thank you... Thank you for feeling that. Thank you for l-loving me. What did I do to deserve your love?" Naluluha ko na namang sabi.

Ano nga ba talaga ang nagawa ko para mahalin ng katulad niya? What do I have? He said that he loves everything about me but I have flaws too. I am not perfect. What did I do to deserve his love?

"Shh... stop crying." He said and I calmed a bit. He hugged me and I was caught off guard.

But then, I hugged him back. Naiilang nga ako pero hindi ko mapigilan ang sarili. I feel secured with his hug. I feel safe with him.

*****

Ang bilis ng oras. Mahigit tatlong oras pala kaming nag-usap ni Dark? At tanghali na pala. Wala akong orasan ngayon at hindi ko namalayan ang oras at alas-dose na pala ng tanghali. Kumakalam na ang tiyan ko at ngayon ko lang naramdaman ang gutom. Bago kami umalis, pinakain muna namin si Onyx.

*****

Kakarating lang namin sa dorm ko at akala ko'y ihahatid niya lang ako ngunit pumasok pa siya kasama ko! Akala ko ba uuwi na siya sa dorm niya?

"A-Akala ko pupunta ka na sa dorm mo?" Tanong ko sa kaniya.

He smiled at me and shook his head. "I know you're hungry. I'll cook you some lunch."

Again, the butterflies-in-my-stomach feeling is what I feel at the moment. Bakit ba ang sweet niya? Yung puso ko, hindi na kinakaya ang mga ginagawa niya.

"H-Huwag na. Kaya ko naman eh—"

"My decision is final, Zaya." Sabi niya at iniwan ako sa sala at dire-diretsong pumunta sa kusina.

Hindi ko maiwasang mapangiti at mapailing. Akala ko mga babae lang ang matigas ang ulo. Boys can also be stubborn at times, huh?

Wala si Julia rito at nagtaka ako kung bakit wala siya. Maybe she's with Godwin?

"Ano bang lulutuin mo?" Tanong ko sa kaniya habang nagpre-prepare siya ng mga gagamitin niya.

"Ano ba ang gusto mo?" Tanong niya naman pabalik.

Nag-isip ako sandali. "Hmm... kahit ano. Kung anong meron na lang kami diyan sa ref, 'yan na lang ang lutuin mo."

He just nodded and opened the refrigerator and he took two boneless bangus. 'Yan siguro yung binili ni Julia 'nung mag-grocery siya 'nung nakaraang araw. Wala naman kasi kaming nabiling bangus 'nung nag-grocery kaming dalawa. Kaya siya siguro ang bumili ng mga bangus ng nag-grocery siya mag-isa.

Death UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon