Chapter 47

1.7K 64 5
                                    

Chapter 47: River

Hindi ako makapagsalita dahil sa kanya. Why is he being like this towards me? Bakit ba nagiging ganito si MK? He's driving me crazy! Ang gulo-gulo niya! Ano ba ang nagawa ko sa kanya at bakit ganito siya umasta?!

"Umalis ka nga!" Inis kong sabi sa kanya.

"Hindi mo naman pag-aari 'to, ah." Nakangisi niyang sabi.

Ba't ba ang bipolar ng lalakeng 'to? Minsan masungit, minsan good mood. Tapos na ba ang monthly period niya? O kaya naman tumigil lang saglit?

Gusto kong tumawa sa mga naiisip ko. Pero syempre, pinigilan ko lang.

Tumayo ako at amba na akong aalis ng magsalita siya, "Wait, where are you going?"

"Aalis na ako. Gumagabi na."

"Hindi pa naman, ah. Stay for a bit. I want you to listen to something."

Nagtaka naman ako. Ano naman ang gustong iparinig ng lalakeng 'to? "What do you want me to hear?"

Naglakad naman siya papunta sa kung saan ako. Bumilis ang tibok ng puso ko at kumakalabog talaga ito. What the heck, why does this man have this effect on me?

Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at nagitla ako dahil sa elektrisidad na dulot ng kanyang hawak sa akin. I'm scared of this feeling.

Nagtaka naman siya dahil nagitla ako. "A-Ah s-sorry... Nagulat lang ako."

Tumango lang naman siya at hinatak niya ako papunta sa kung saan ang piano. He sat down on the chair that piano comes with.

"I want you to listen to this song," Sabi niya at binitawan niya ang palapulsuhan ko. "But this is just instrumental."

"It's fine. I'll listen." Sagot ko. I don't know what's happening to me but I want to see him play piano up-close.

Naalala ko na naman yung time na nakita ko siyang nagpia-piano dito. Nag-ingat ako para hindi siya maistorbo pero nahuli niya ako. I want to laugh because I recalled that memory... The memory that rushed back.

MK started pressing the keys of the piano. I can't stop but to admire him. It looks like he's really an expert with this.

While he plays the instrumental song, I immediately familiarized the song. It's River Flows In You by Yiruma! I really love this song so much! I first discovered this song at my previous school, bago pa ako napadpad dito sa Death University.

Pinigilan ko ang umaapaw kong emosyon at pinigilan kong magsalita upang hindi madistorbo si MK. I want him to finish playing the song. I want him to take his time while playing the song. Ang sarap pakinggan ng pagtugtog niya at ang sarap niyang tignan.

After he played River Flows In You, he looked at me. Mula sa pagkakatulala dahil sa kagandahan ng pagtugtog niya, bumalik ako sa aking huwisyo. I was dazed.

"Ang galing mo..." Hindi parin maka-get over na sabi ko. I want to clap for him, for real!

He smirked. "Syempre, ako pa. Small thing."

Agad namang bumusangot ang mukha ko. Wow, just wow... Masyado niyang dinibdib ang pagpuri ko sa kanya! At hindi lang yun ha, pinaspas-paspas niya rin ang damit niya na para bang simple lang ang pagpia-piano para sa kanya! Ang feeler din talaga ng lalakeng 'to!

"Aalis na ako," Nakabusangot kong sabi.

"Sandali lang. Mamaya na."

"Gumagabi na po, Mr. Officer. Baka ano pa po ang mangyari sa akin sa daan." Sabi ko naman sa kanya na may 'paggalang'. Insert the sarcasm. Diniinan ko talaga yung 'Mr. Officer'.

Death UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon