Chapter 3: Demi Rave
Nang pumasok na ako sa room ni Mrs. Kang, gulong-gulo pa rin ang isipan ko. Hindi ko maintindihan ang sinabi 'nung babae!
"Miss Dawnt, are you listening?" Tanong ni Mrs. Kang na ikinabuhay ng sistema ko. Siguro kanina pa ako tulala rito.
"Yes, ma'am, sorry po." Sabi ko at nag-take down notes na.
Pagkatapos ng klase ay iniligpit ko na ang mga gamit ko.
"Miss Dawnt, kanina ka pa tulala. May bumabagabag ba sayo?" Tanong ni Mrs. Evelyn Kang sa'kin.
"H-Huh? W-Wala po." Tanggi ko at nag-iwas ako ng tingin.
"Okay, then. Kung may mga tanong ka, feel free to ask."
Tumango lamang ako napag-desisyunan ko na pumasok na sa next subject, which is Geometry.
Pagpasok ko sa classroom, laking gulat ko nang makita na naman ang babae na nagsabi sa akin na dapat aware ako sa mga nakakasalamuha ko.
She gave me a cold stare. Is she supposed to be like that? Kailangan ko na talagang magtanong-tanong tungkol sa kanya. She is serious and mysterious.
"Who can answer example number 1?" Tanong ni Prof at itinaas naman agad ng babae ang kamay niya.
"Okay, Miss Demi Rave, answer example number 1."
So, her full name is Demi Rave, huh?
Nang matapos siyang mag-solve ng example, ipinakita niya ang kanyang sagot. I cannot believe I'm thinking this, but she's smart! Siguro one of the outstanding students siya.
"Very good, Miss Rave. You may now be seated."
Before Demi returned to her seat, she smiled sarcastically to all of us. Tsk. Matalino sana kaya lang mayabang!
*****
Tapos na ang klase namin sa Geometry and the rest of the period, lutang ako. I really have to talk to Julia. Pero ilang araw pa lang kaming magkaibigan at hindi ko pa siya lubusang kilala at parang ang rude naman kung pagsuspenstahan ko siya at tanungin ng mga kakaibang tanong. At baka, sinisiraan lang siya ni Demi sa akin.
And why did I believe Demi anyway? Mas lubos kong kilala si Julia kesa kay Demi, pero ano? Mas-pinapaniwalaan ko si Demi. It's not right. Baka gawa-gawa lang ni Demi 'yun para masiraan si Julia sa akin. What's dangerous with Julia, anyway? Mabait naman siya.
Nang naglalakad ako, bigla kong nakita si Demi na nakatingin sa akin sa malayo. Nang nakita niyang nakatingin ako sa kanya, nag-iwas siya ng tingin at tumakbo siya ng mabilis.
"Demi, wait!" Sigaw ko at hahabulin ko na sana pero nakalayo na siya.
Darn it! Kinikilabutan ako sa kanya. Bakit ba nagmamasid-masid siya sa akin? Wala naman akong atraso sa kanya.
"Zaya, hey!" Nagulat ako ng may nagsalita at nakita ko si Julia.
"Uhh, hi, Julia." Sabi ko ng wala sa sarili.
"Sorry, ha. Hindi tayo palaging nagkikita. Busy kasi ako."
"Ah, ganon ba? Okay lang. Pero... busy with what?"
"With some things. Like... let's say that it's a duty of mine."
"Huh? Officer ka ba rito?"
"A-Ah... parang ganon na nga." Sabi niya sa akin at ngumiti siya. "Halika, kumain tayo sa canteen. Libre kita." She changed the topic at hinila niya na ako bago pa ako makasagot.
Nang makarating kami sa canteen, nagsalita na ako.
"Hindi mo naman ako kailangang ilibre," Sabi ko sa kanya. Syempre, mahiya ka naman! And besides, may pera naman ako pambili ng pagkain.
"Okay lang 'yun, ano ka ba. 'Wag kang mahiya. Minsan lang 'to."
Sa huli, siya ang nanalo. Nagpalibre na lang ako. Nang makuha namin ang pagkaing inorder, umupo kami sa isang vacant area.
"By the way, may kuya ka pala?" Tanong ko sa kanya at natigilan naman siya sa pag-kain.
"A-Ah... oo."
"Paano kayo napadpad ng kuya mo rito? Sabay kayo?"
"O-Oo, naligaw kami rito ni Kuya. Tapos, hindi na kami makalabas. Pero nasanay na rin kami. Matagal-tagal na rin kasi kami rito. At bakit hanggang ngayon buhay kami? Kasi, dapat protektahan mo lang ang sarili mo. Dapat maging matapang ka." Sabi niya sa akin. Wow, like, I'm speechless. Bakit ang tapang ni Julia? Ako, parang hindi eh.
"Mabuti ka pa. Ang tapang mo."
"Huh? Hindi 'no. Mas-matapang ka pa nga sa akin, eh." Sabi niya at humagikhik siya sa tawa.
"Nga pala, kilala mo ba si Demi Rave?" Pagkasabi ko nun, halos mabilaukan siya ng uminom siya ng juice. Natigilan siya.
"Demi fuckin' Rave?! Shit, tinakot ka ba niya?" Nag-aalalang tanong niya.
"H-Huh? Hindi naman." Sabi ko. Hindi niya naman ako tinakot, pero natakot ako sa inasta niya. "But what's with her?"
"Gusto ko lang na maging aware ka kaya sasabihin ko sayo 'to," Aniya. "Isa si Demi sa mga kinakatakutan ng mga estudyante rito. Maliban sa mataray siya at parang yelo, she kills. Pero hindi alam ng halos lahat ng estudyante rito kung mga inosente ba o mga masama ang pinapatay niya. At isa pa, ang misteryoso niya talaga."
"Yeah, she is mysterious." Seryoso kong sabi habang iniisip na pumapatay si Demi. Does she kill innocent ones? Sana naman hindi.
"Nakita ko siya last time, Julia. Nakamasid siya sa'kin." Sabi ko at diretsong nakatingin sa mga mata niya.
"What the heck?! Lagi kang mag-ingat, Zaya. You have to bring a weapon, too! Para kung sakaling may magtangkang patayin ka, maipaglalaban mo ang sarili mo."
"Yes, mag-iingat ako palagi. Thank you, Julia."
"By the way, plano ko sanang mag-stay tayong dalawa sa isang dorm. Masaya 'pag ganon!"
That's a good idea! "Oo nga, 'no? That's an awesome idea!"
"I know right? Kaya, halika na, samahan mo akong mag-impake at doon ako sa dorm mo."
"Huh? Bakit sa dorm ko pa? Baka hindi mo magustuhan doon."
"Hay, ito talaga! I'll surely like it as long as I'm with you!" She said with a wide smile.
"Okay... Pero hindi ka ba papagalitan ng tagapangalagang Madame Selina?"
"Naku, hindi magagalit 'yang si Madame. And besides, she wouldn't even care."
"Oh, sige. Halika na at tutulungan kitang mag-impake. Excited na 'ko!" I said and giggled.
Alam kong mamamatay ako anumang oras dito. Pero gusto kong maging masaya kahit sa konting oras na lang na natitira para sa akin.
Julia is my one and only friend here, and I hope that she's not hiding anything from me.
-------------------
Pronunciation of Rave:
(Reyv)
BINABASA MO ANG
Death University
Gizem / GerilimZaya chose to run away from home with nowhere to go. After a long drive with her car, she stopped in front of a big old building, which turned out to be a school. When she entered, the truths started to unravel before her, and she meets the face of...