Chapter 37: Drunk
I really think that it's not just fame. Maybe she has other reasons why she did this. I don't know why that came up to my mind. Hindi ko alam kung bakit pumasok sa isipan ko na may ibang dahilan siya kung bakit niya ginawa ang lahat ng ito.
Shit, oo nga pala, paano ako makakapunta ng third period class? I can't go to the class looking like this! Ngayon ko lang napansin na may dugo pala sa damit ko.
I rushed to the dorm to change my clothes. I changed into a jumper dress. May ilang minuto pa namang natitira bago ang third period class, kaya ang ginawa ko ay ibinabad ko muna sa tubig na may detergent powder ang damit kong may dugo ni Selton.
Nang makaraing na sa klase, wala pa si Julia, pero magsisimula na ito kaya naupo na ako.
"Magandang hapon sa inyo. No need to greet me back. You may sit. So today, you will have an activity. This activity will be done by pair... You are free to pick who you want to be with in this activity. Papayagan ko kayong pumili nang kung sino ang gusto niyo upang may pagtutulungan na mangyayari. You need to cooperate with your partner because this is the most important. Just copy blah blah blah... And for the reward, the pair that has the best presentation will receive one thousand pesos at paghahatian ninyong dalawa ang isang libo. And that means that, you and your partner will each receive five-hundred pesos additional money, next month."
Sa huling sinabi ni Prof, nag-ingay ang mga kaklase namin. Nag-uusap sila tungkol sa five-hundred na additional next month. In total, 3,500 pesos ang makukuha sa susunod na pamimigay ng monthly allowance. Yes, minsan kapag may major na ipinapagawa ang mga guro sa iba't-ibang subject, nagdadagdag sila ng pera sa monthly allowance sa estudyanteng may pinakamagandang gawa.
Maliit lang naman ang binibigay nilang additional. Mga nasa limang daan hanggang isang libo. Pero kahit maliit lang, meron talagang mga estudyanteng sabik na sabik sa pera kaya ginagawa nila ang kanilang makakaya upang maging maganda ang kanilang gawa at upang mapasakanila ang additional money. Ako? Hindi ako nakikipagtunggali sa mga kaklase ko upang makuha ang additional money. Hindi ako sabik sa pera. Aanhin mo naman ang pera kung mamamatay ka naman dito, diba? Ano 'yun, pansamantalang kaligayahan?
Si Julia naman, sa kalagitnaan nang pagpapaliwanag ni Prof, ay dumating. Bakit kaya na-late siya? Pero kahit na-late siya, hindi siya pinagalitan ni Prof. Tinignan lamang siya nito at nagpaliwanag pa.
"Oh, ba't na-late ka?" Tanong ko nang makaupo na siya sa tabi ko.
"Si Godwin kasi," Sabi niya at pumula pa ang pisngi. Para tuloy siyang kamatis.
Hindi ko mapigilang mapahalakhak ng mahina."Huwag mo ng ikwento sa akin ang buong pangyayari, Juls. Sobrang pula ng pisngi mo at nagmimistula kang kamatis."
Mas pumula pa ang pisngi niya. "Anways, ano na ang gagawin natin?"
Grabe rin 'tong si Julia, nag-change topic agad. I can't help but to laugh silently. Agad ko namang ipaliwanag sa kanya ang gagawin namin.
"Oh, I see... I'm sure our classmates will do their best to earn the additional money." Aniya, pagkatapos kong ipaliwanag sa kanya ang gagawin namin at ang tungkol sa dagdag na pera sa susunod na buwan.
"Yeah. I'm not interested with the money. Aanhin mo naman 'yung pera kung mamamatay ka naman dito."
Pinagtuunan na namin ng pansin ang activity na epre-present namin. It took us the whole class period to finish what we're doing. Bukas na lang daw namin epre-present ang nagawa naming activity. Of course, we expected that already.
Bago kami pumunta sa next period class, kumain muna kami sandali dahil kaninang break time ay hindi kami kumain dahil sa busog pa kami 'nung time na 'yon.
BINABASA MO ANG
Death University
Mystery / ThrillerZaya chose to run away from home with nowhere to go. After a long drive with her car, she stopped in front of a big old building, which turned out to be a school. When she entered, the truths started to unravel before her, and she meets the face of...