Chapter 18

3.5K 113 2
                                    

Chapter 18: Attitude

"Gising na, Zaya! Male-late ka na sa klase mo!"

Nagising ako dahil sa hampas ng unan sa nuo ko. Minulat ko ang mga mata ko sabay inat ng aking mga braso.

"It's 8 in the morning! Diba 8:30 'yung first period ng klase mo?"

"Oo nga pala. Shit."

"Malabong hindi ka ma-late. Your class will start in 30 minutes."

"Oo nga. Hayaan mo na. Minsan lang naman ako nale-late." Sabi ko sa kanya. "Ikaw ba, wala kang klase?"

"Vacant 'yung first period namin ngayong araw,"

"Ay ganon ba? Ang swerte mo naman." Sagot ko at ngumuso.

"Ikaw din kaya! Bukas first period class mo ang vacant."

"Totoo? Hindi ko pa nakita 'yung sched para bukas, eh."

"Chinek ko kasi 'yung sched ko tapos chinek ko na rin 'yung sayo."

"Thanks, ha? By the way, kumain ka na?"

"Oo. Ininit ko 'yung natirang adobo."

"Sige, maliligo na ako." Sabi ko at dumiretso na sa banyo.

I took off my clothes, and I let the cold water from the shower fall on my body.

I was thinking deeply last night. Gusto kong iwasan si MK, and at the same time, I want to know more about him. How he got here, how old he is, how long has he stayed here, why are the students afraid of him, etcetera. Napaka-misteryoso kasi talaga niya!

Natauhan ako nang narinig ang katok sa pintuan. "Zaya, dalian mo na riyan. Late na late ka na kaya!"

"Okay lang... Kapag 'di na talaga ako makakaabot, sa second period na lang ako papasok." Sabi ko habang naglalagay ng shampoo sa aking ulo.

"Okay, sige. Malabo naman na kasing makaabot ka."

Pagkatapos kong maligo, nagpatuyo muna ako at sinuot ko na ang aking damit. After all the morning rituals, I went outside the bathroom.

Dumiretso kaagad ako sa kusina para maka-kain.

Habang kumakain, napatingala ako sa wall clock. Lampas 8:30 na. Mukhang hindi na nga talaga ako makakaabot sa first period. Bahala na nga, sa second period na lang ako papasok.

Pagkatapos kong kumain ay naghugas na ako ng pinggan tas nag-toothbrush.

"Aalis na ako, Juls." Paalam ko sa bestfriend ko.

"Okay, ingat." She said before I left.

Naglalakad ako papuntang second period nang may naramdaman akong tao sa tabi ko na sumasabay sa aking maglakad. I turned my attention to the one who's beside me.

"Selton?! Ang tagal na kitang hindi nakikita rito! Saan ka ba nagpupupunta, ha?" Huminto ako sa paglakad at ganon din ang ginawa niya.

It's been a long time since I last saw him, really!

He chuckled. "May pinapagawa kasi si Mom in the past few weeks,"

"Ah ganon ba? Sige, alis na 'ko. Baka ma-late ako sa second period, eh." Sabi ko at tangka na akong maglakad palayo nang hinawakan niya ang braso ko.

"Sandali, babawi ako for the past weeks. Lunch tayo? My treat!"

"What? Hindi mo naman kailangang bumawi at tsaka nalibre mo naman na ako last time. Nakakahiya na."

"Last time 'yun, Demerine. Iba na ngayon. I insist to treat you for lunch. Parang bawi na rin natin sa mga linggong hindi tayo nagkita." Sabi niya na may ngiti sa labi.

"Okay fine, pero hindi mo naman ako kailangang ilibre." Seryoso kong sabi.

"I insist." Sabi niya pa.

"Fine, magkita na lang tayo sa cafeteria."

"Sounds good to me," He said with a wink before he left.

I just smiled, and then I continued walking. In the middle of walking, someone approached me, and my heartbeat immediately quickened.

"Bakit wala ka sa first period class mo?" Seryosong tanong niya.

"Na-late ako ng gising, eh... Pasensya na, MK." Sabi ko at yumuko. Sana effective 'to! Sana naman 'wag niya akong bigyan ng parusa ulit! Please lang talaga!

He remained serious at parang may galit sa mga mata niya. What's with him? Kahapon mabait naman siya at ngayon naman, ang ubod ng sungit! May dalaw ba siya? Makapag-mood swing kasi siya parang meron, eh!

"Walang magagawa 'yang pasensya mo!" Tumaas ang boses niya na nagpakulo sa dugo ko.

"Hoy, isa ka lamang sa mga officers dito! Don't you act like you're a boss! Sige ka, irereklamo kita sa presidente!" Tumaas na rin ang boses ko.

Maraming nakatingin sa amin, pero umalis din sila kaagad. Mga chismoso't chismosa talaga! Dumudoble ang inis ko dahil sa kanila!

"Fuck, I don't care if you'll report me to the damned president!"

Mas nainis ako at naputol na ang litid ng pasensya ko. "Hindi ka natatakot?! Well, the president will surely ban you from being an officer here, and he might kill you!"

Hindi ko na talaga alam kung bakit ko pinagsasabi ang mga salitang 'yon. Nagpapadala na ako sa galit at inis na nararamdaman. Ang tapang-tapang mo, Zaya! Makapag-sabi ka niyan parang kilala mo ang presidente ng impyernong ito! Eh hindi pa nga kayo nagkikita! Stupid me, this is a wrong move! Pero wala na akong magagawa dahil nasabi ko na.

"I'm not afraid of the president of this school! Baka ako pa ang maka-unang pumatay sa kanya." He nonchalantly said.

Aba aba! He's one tough guy! Well, tignan lang natin dahil isusumbong ko talaga siya! Isusumbong ko siya. Kakayanin kong pumunta sa opisina ng presidente!

"Bahala ka na riyan! I-I'll... I'll find a way to talk to the president! I-I'll go later to his office and tell him that you want to kill him and I'll report you because of your attitude!" I threatened him. Nagtatapang-tapangan na naman ako!

"I'm not stopping you to do so. Tignan natin ko sino ang mas matatakot sa ating dalawa." He said with a smirk.

I hurriedly walked away and went inside the classroom I should be in.

Mabuti naman at hindi pa nakakapag-start ang klase. Muntikan na ako 'don, ha! Masyado siyang ma-attitude! Ang ubod ng sungit ng lalakeng 'yun ngayong araw pero kahapon, ang ubod ng bait naman niya! Hindi ko siya maintindihan!

-

Death UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon