Chapter 2

7.3K 197 14
                                    

Chapter 2: Girl With The Cloak

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na dumampi sa mukha ko. Tumayo na ako at naalala ko naman ang nangyari kagabi. Patay na siguro ako ngayon kung hindi ako niligtas ni Mr. Pres daw.

Nang matapos na akong maligo ay nagbihis na ako ng aking damit at sinuklay ko ang aking mahabang buhok.

*****

"Miss Dawnt, pakilagay nga ito sa desk ng President." Utos sa akin ni Mrs. Suldivar.

"Saan nga po yung opisina niya?" Tanong ko. Duh, I'm a newbie here.

"Sa tabi ng opisina ng tagapangalagang Madame Selina." Sagot nito at ngumiti.

"A-Ah, sige po." Sabi ko at kinuha ko na ang folder na ipinapabigay niya.

'THE PRESIDENT'S OFFICE'

Yan ang sign na nakita ko sa tabing opisina ni Madame Selina. At kinakabahan akong pumasok. Nasa loob ang presidente!

Dumungaw muna ako sa pintuan at nakita kong walang tao sa loob ng opisina. Nangangahulugan na, wala ang presidente. Thank goodness!

Pumasok na ako kaagad at nakita ko doon ang isang rectangular wooden block na may naka-ukit na:

'President Dark Damier Syracuse'

Ang gara naman ng pangalan ng Presidente! Syempre, presidente yan kaya ang gara ng pangalan.

Naiisip ko, matanda na kaya ang presidente? O 'di kaya, binata? Malamang matanda na 'to.

Pagkalagay ko ng folder sa desk, umalis na kaagad ako.

*****

Nandito ako ngayon sa cafeteria at nakita kong kumakaway si Julia sa akin. Mag-isa siya sa isang mesa sa cafeteria.

I headed to her at umupo ako sa kaharap niyang upuan.

"Kumusta?" Masaya niyang tanong sa akin.

"U-Umm...okay lang?" Patanong kong sagot. Great!

"Nagdadalawang-isip ka yata sa magiging sagot mo." She chuckled.

"Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong maramdaman. I'm trapped in this hell for pete's sake." Nabasag ang boses ko, and tears started falling from my eyes. The truth is, I miss my parents, and I miss my friends!

"Huwag kang umiyak, Zaya. Masasanay ka rin dito." Sabi ni Julia na nakangiti.

Anong masasanay? I'll die here!

"M-Mamamatay ako rito, Julia! I-Ikaw, hindi ka ba natatakot na mamamatay ka rito?"

Naglaho ang ngiti niya sa labi. "Pasensya ka na, Zaya. Wala kasi ako sa sitwasyon mo kaya iba itong nararamdaman ko. Alam kong emotional ka ngayon kasi walang oras na pinipili ang kamatayan at sigurado akong namimiss mo na ang pamilya mo. But listen, you can survive here."

Napukaw ng atensyon ko ang mga huling salitang sinabi niya. "H-How to survive in this hell?"

"You can survive if you only fight for your life. If you are brave, sigurado akong maproprotektahan mo ang sarili mo."

Be brave. Ang tanong, matapang ba ako?

"B-But I am not brave enough—"

"You can be brave enough to fight for your life. And also, I can feel that you have bravery in you, Zaya. Hindi mo lang kayang ipalabas ang katapangan ng loob mo."

Death UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon