Chapter 15

3.9K 138 4
                                    

Chapter 15: Potion-Addict

"Lalake?!" Sabay naming sigaw ni Julia. Ang tindi ng kaba sa dibdib ko.

"Uh-huh, it's a guy. Mukhang gusto niya ilihim kung sino siya. He was careful when he was here. Ayaw niyang makilala mo siya." Sabi ni Godwin.

That's so creepy! At paanong nalaman niya na may lagnat ako?

"Paano niyang nalaman na may lagnat ako?" Tanong ko kay Godwin. Baka may maisagot siya!

"Hmm, my deduction is that lagi ka niyang binabantayan." Sabi ni Godwin na ikinagulat ko naman.

"Lagi?!" I exclaimed. Guardian angel ba siya?

"Yes, and I think this guy... really likes you." Sabi niya pa.

"Gosh, Zaya!" Tili ni Julia.

The mystery guy... Sino kaya siya?

"G, can you tell us who the guy is?" Si Julia naman ngayon ang nagsalita.

"I'm sorry, pero hanggang dito na lang ako. I couldn't determine who he was. But I think this guy is so... strong. I think he has a special power, and I think it's the reason why I can't determine who he is." ani Godwin.

What the fuck, special power? Wait, special power... Papaano kaya kung ang special power na meron siya ay 'yung rarest power? Well, hindi naman malabong mangyari iyon. Pero parang hindi kapani-paniwala na ang taong may matinding kapangyarihan ay nandito sa DU at malapit lamang sa akin!

"Sino naman kaya ito? Sobrang misteryoso naman." Julia said.

"Oo nga. I really need to know who the guy is." Sabi ko.

Pero nawawalan ako ng pag-asang malaman kung sino ang misteryosong lalakeng ito. Gaya nga ng sabi ni Godwin, ang hirap niyang makilala. So, paano ko siya makikilala nito?

*****

It's two in the afternoon at nararamdaman kong wala na akong lagnat, kaya napagdesisyunan kong pumasok sa classes.

Nakaramdam ako ng gutom, kaya nagluto ako ng luncheon meat. Then after I cooked, pinares ko ang ulam sa kanin. Pagkatapos kong maghugas ng pinagkainan ay nag-toothbrush na ako.

I am just wearing my denim jeans and my t-shirt. Then, after I settled everything, I went out of the dorm. Syempre, sinigurado kong lock ang pintuan at ang mga bintana. Ayokong may makapasok. Parang napa-paranoid ako sa misteryosong lalake na nag-alaga sa akin.

Habang naglalakad ako patungo sa first period ngayong hapon, may nakita akong dalawang lalake, puro walang buhay na nakahilata sa lupa. Hinahatak sila ng dalawang naka-cloak.

Natakpan ko ang ang aking bibig. There's blood. A lot of blood. Sa mahigit tatlong buwan na namamalagi ako rito sa DU, marami akong nakitang mga krimen. Madaming patay. Pero umiiwas agad ako kapag may nakikita akong walang buhay sapagkat takot ako sa dugo. But now, I didn't expect that I would encounter a crime. Kaya, hindi ko naiwasang makita ang dalawang lalakeng wala ng buhay.

Ang dami nilang saksak. At may nakita akong dalawang kutsilyo. Hindi ko naiwasang magtanong sa mga taong nakiki-usyoso rin sa krimen.

"Uhh... Ate, ano 'yung nangyari rito? Bakit ang dami nilang saksak?" Tanong ko sa babaeng malapit sa akin.

"Nag-away ang dalawa. Dinala sila ng pag-aaway nila sa patayan. Kaya ayun, nagsaksakan sila hanggang sa mamatay." Aniya at umiling.

"Ah ganon ba... Pero ano ba ang dahilan ng pag-aaway nila?"

"'Yan ang hindi ko alam. Naabutan ko na lang kasing nagsasaksakan sila."

"Sige, salamat." Sabi ko at tumango lang siya.

Naglakad na ako papuntang classroom dahil ayaw kong ma-late.

When I arrived at class, mabuti at wala pa ang Prof kaya nagbasa muna ako ng notes ko 'nung nakaraang araw. Habang nagbabasa ako ng notes mula sa notebook ko, biglang sumagi sa isipan ko ang dalawang lalakeng hinihila kanina ng mga naka-cloak. Dumadanak ang dugo nila. There's blood everywhere... Ugh! Eto na nga ang sinasabi ko, eh. Ayokong makakita ng krimen dahil sumasagi agad 'yan sa isip ko.

"Good afternoon, class." Sabi ni Prof na bagong dating lamang.

"Good afternoon, Ma'am." Walang ganang sabi ng mga estudyante. Tapos nag-start ng mag-lecture ito.

Pagkatapos ng klase ay nagsi-alisan na kaming mga estudyante. Habang naglalakad ako, nakarinig ako ng pag-uusap sa likod ng isang classroom. Sa likod ng classroom ay kakahuyan na kaya parang nakakatakot dahil ang tahimik. Pumasok ako sa kakahuyan at nagtago ako sa isang malaking puno at nakinig ako sa pinag-uusapan ng dalawang taong nandoon.

Naka-talikod ang babaeng naka-itim na coat habang kinakausap ang isang lalake. The man is familiar. I think he's some professor here.

"Pinagdududahan mo talaga ako, Miss Rave." Nagulatantang ako sa sinabi ng Prof. 'Miss Rave'? Shit, Demi Rave?!

Ang babaeng nakatalikod at nakapusod ang buhok na kausap ng prof ay si Demi?! Ang tagal na rin 'nung huli kong siyang nakita. Huli ko siyang nakita 'nung nagharap kami sa fountain area. Pero hindi ko alam kung 'yun din 'yung time na huli niya akong nakita. Hindi ko rin alam kung umaaligid parin siya sa akin dahil wala akong napapansin dahil sa dami ng estudyante sa paligid.

"Duda? Hindi lang basta duda. Alam ko na traydor ka. Alam na alam ko! I saw you at the lab. You stole the green bottles." Ani Demi.

"Edi sana pinigilan mo ako! And you know, you're so full of yourself, Miss Rave. Pwerket may badge ka, feeling mo ang taas-taas mo!"

Badge?

"Mr. Lagdayola, to be clear, I don't care of the badge, dahil kahit wala man akong special badge, mamamatay at mamamatay ka pa rin." Nakakatakot na anas ni Demi.

So, it's Prof Lagdayola! He is the professor that Julia was talking about. Sabi ni Julia may guro raw na adik talaga sa potions, and his name is Ray Lagdayola. This must be him. Isa lang ang Lagdayola rito. Dahil siguro sa pagiging potion-addict niya, nagawan niyang pagnakawan ang unibersidad.

A question is playing inside my mind... Hindi ba siya natatakot sa kung anong pwedeng mangyari sa kanya? Sabi nga ni Demi, mamamatay na si Mr. Lagdayola ngayon dahil sa nagnakaw siya mula sa unibersidad.

Pero ako... naisip ko rin... hindi ba ako natatakot sa kung anong pwedeng mangyari sa akin dahil sa pagtago ko sa libro?

Pero teka lang... Alam ni Demi na tinago ko iyon hindi ba? Eh ba't hindi niya ako hinuli? Bakit hindi niya ako pinatay 'nung nalaman niya na nasa akin pala ang iniingatang libro ni Madame Selina?

Bakit hinayaan niya akong makuha at itago iyon?

-

Death UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon