Chapter 53: Mutual
I need answers. I desperately need answers on what's happening. Parang mababaliw na ako sa kakaisip tungkol sa mga pangyayari. Gusto kong lumapit sa isang taong mapagkakatiwalaan ko tungkol sa bagay na ito.
Biglang sumagi sa isip ko si MK—I mean Dark. I should be used on calling him with his real name. But fuck his name, I desperately need answers right now! Pero kahit siya ang pwede kong kausapin tungkol sa bagay na ito, hindi pwede. I don't trust him anymore. He broke my trust after he lied to me.
Pero bakit ganon... bakit parang mapagkakatiwalaan pa rin siya? There's a strong urge in me to talk to him because when I'm with him, I feel safe. I feel secure. And I feel at ease when I am with him. Bakit ganon? Ang daya! I hate him right now and I don't trust him anymore pero bakit ganon? Why is there a strong urge in me that wants to talk to him for help?
Bakit kahit na nakatatak na sa isip ko na hindi ko na siya mapapagkatiwalaan dahil sa matindi niyang pagsisinungaling, bakit may maliit pa na portion sa isip at puso ko na pagkatiwalaan siya?
Ewan ko na lang! Pati na sa nararamdaman ko naguguluhan na ako! Why is this happening to me? Parang mababaliw na ako sa lahat ng ito.
Dumagdag pa yung pagkakagusto ni Dark sa akin. What did he liked me for anyway? Ano ba ang meron sa akin na nagustuhan niya ako? At isa pa, si Selton, he likes me too! Ano ba ang meron sa akin at bakit may dalawang nagwagwapuhang lalake na nagkakagusto sa akin?
Hindi dapat sila nagkakagusto sa akin, eh!"Okay ka na dito?" Tanong ni Selton ng maihatid niya ako sa dorm ko. Actually hindi sa mismong harap ng dorm kundi medyo malayo pa dahil alam kong sisisihin na naman siya ni Julia kung bakit ngayon lang ako nakauwi.
"Oo, okay na ako. Thank you sa paghatid kahit hindi naman kailangan." Nakangiti kong sabi. Pekeng ngiti dahil ang gulo-gulo ng mga pangyayari paano pa ako makakangiti?
"Sigurado ka bang okay ka lang, Demerine? Hindi ka ba nasugatan ng matindi?" Sunod-sunod na tanong ni Selton.
"Hindi naman. Maliit na galis lang naman, eh."
"Patingin nga ulit," Sabi niya at kinuha ang siko ko na may maliit lang naman na galos. "Gagamutin kita."
Agad naman akong umiling. Ang OA naman nitong si Selton! Ang liit lang na galos yung natamo ko gagamutin talaga?
"Ang OA mo, Selton. Maliit lang na galos 'to. Hindi ito abot sa bituka ano ka ba. Okay na ako at umuwi ka na sa dorm mo at siguradong hinahanap ka na ni Madame."
Bigla kong naalala yung narinig kong pag-uusap nila ni Madame kanina. Hindi nila alam na narinig ko yung mga pinag-usapan nila. Narinig ko lahat... pati yung sinabi ni Madame na gusto ako ni Selton. Parang umiba tuloy ang pakikitungo ko sa kanya dahil sa narinig. Nakakailang. Naiilang tuloy ako sa kanya.
Magkaibigan kami tapos may gusto pala siya sa akin...
"Anong iniisip mo? Bakit ang lalim?"
I snapped out of my thoughts. "W-Wala n-naiisip ko lang yung mga pangyayari... Akala ko kasi kanina malalaglagan ako."
I was caught off guard when he suddenly hugged me. Hindi ako gumalaw dahil nabigla talaga ako kay Selton.
"Kapag nangyari 'yon, hindi ko alam ang gagawin ko. Sobrang mag-aalala ako sa kalagayan mo," Sabi niya habang yakap-yakap ako.
Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. At naririnig ko rin ang bawat tibok ng puso niya at ang bilis rin. Sobra ang pasasalamat ko at nakilala ko ang taong ito. Nararamdaman kong masarap siyang magmahal. Swerte ang mapapangasawa niya... Pero hindi ko alam kung masusuklian ko ba ang nararamdaman niya para sa akin.
BINABASA MO ANG
Death University
Mystery / ThrillerZaya chose to run away from home with nowhere to go. After a long drive with her car, she stopped in front of a big old building, which turned out to be a school. When she entered, the truths started to unravel before her, and she meets the face of...