Chapter 26

3.7K 131 5
                                    

Chapter 26: Chasing Cars

Bigla akong naalarma sa pagpihit ng pinto kaya dali-dali kong itiniklop at itinago ang papel sa aking bulsa.

"Zee, bakit mukhang tense na tense ka? May humabol ba sayo or something? May nangyari bang masama?" Tanong agad ni Julia ng makapasok na siya sa dorm namin. And I can feel that she is worried based on her voice.

"A-Ah, w-wala naman... Tumakbo lang ako kanina dahil naiihi na ako kaya mukhang tense ako." Pasisinungaling ko sa kanya.

I'm really sorry if I'm lying to you, Julia. Masasabi ko rin ang nga katotohanan na nalaman ko sa tamang panahon. Ayokong dumagdag pa 'to sa mga iniisip mo.

"Are you sure?"

"Oo naman," Sabi ko sabay ngiti ng pilit.

"Sige, akyat muna 'ko."

"S-Sige, Juls." 

When finally, nang nawala na sa paningin ko si Julia, lumuwag ang aking pakiramdam. Kinuha at binuklat ko ulit ang papel na may stamp.

Shit, whose blood is this? Is this animal blood or human blood? Why would Mr. Leonsio use blood as ink of the stamp? Nang maisip ko na ang tinta ay gawa sa dugo ng tao, kumulo ang dugo ko. Mga walang puso sila! Kikitil ng buhay ng tao upang makakuha ng dugo bilang tinta!

Hindi ko namalayan na nasiko ko pala ang vase dahilan para mabasag ito. Crap. Dali-dali akong lumuhod para pulutin ang mga bubog ng nabasag na vase na dapat hindi ko pala pinulot dahil alam ko namang masusugatan ako!

Dumugo ang aking dalawang daliri dahil sa nahawakan ko ang matulis na parte ng nawasak na vase. Ugh.

"Zaya, hey, are you okay?" Biglang sabi ni Julia habang dali-daling bumababa sa hagdan.

"O-Okay lang ako, Juls," Sabi ko sabay tayo at kuha ng walis at dustpan.

"Bakit mo naman hinawakan? Nagkasugat ka tuloy. Ako na ang magwawalis niyan. Hugasan mo muna 'yang kamay mo." 

"Kaya ko naman—"

"Sige na, Zaya, hugasan mo na 'yang kamay mo at baka maimpeksyon pa." Aniya, sabay kuha ng walis at dustpan sa kamay ko at winalis niya na ang nabasag na vase.

"T-Thanks, Juls."

"Walang anuman. What are friends for, diba?"

Ngumiti na lamang ako at hinugasan ko ang kamay ko and shit, it hurts like hell! Parang mapapaiyak ako dahil sa sakit na aking nararamdaman. Sobrang hapdi!

"Masakit lang talaga pero mawawala rin naman 'yan," Aniya at ipinasok sa basurahan ang nabasag na vase.

"Sandali, kukunin ko muna 'yung first aid kit sa taas." Sabi ko.

Pumunta na ako sa pangalawang palapag ng dorm namin ni Julia at kinuha ko ang first aid kit. Kumuha ako ng betadine at bulak.

Pinatakan ko ng betadine ang bulak at ipinahid ito sa aking sugat. Mabuti naman at hindi masyadong malalim.

Dapat hindi muna ako maglilikot dahil ang hapdi-hapdi pa nitong kamay ko. Pinalibutan ko na rin ito ng maliit na benda na tamang-tama lang ang sukat sa aking dalawang daliring may sugat.

Pero paano ako makakasulat kung ganito ang kalagayan ko? Hays, nakakainis naman. Baka hindi pa maniwala ang mga prof ko na may sugat ako sa kamay. Baka sabihin nila, pwerket may benda 'yung daliri ko, maniniwala na sila. Sasabihin nila nagpapalusot lang ako.

"Zaya, okay na ba 'yang kamay mo? Nalagyan mo na ng benda?" Nagulat ako nag biglang nagsalita si Julia. Akala ko ay nandoon pa siya sa baba pero nakaakyat na pala siya rito.

Death UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon