Chapter 42: First
"Nakakaintriga naman, Reena." Natatawa kong sabi pero syempre, mahinang tawa lang at baka marinig ni Prof at patay ako diyan.
Pati si Reena ay napatawa din pero nawala agad ito ng makita niya si Julia na nasa tabi ko. Halata ang gulat sa mukha niya, as expected.
"B-Bakit nandito ang kapatid ng P-Presidente?" Nauutal niyang tanong at parang gulat na gulat talaga siya.
At mukhang narinig ni Julia ang tanong ni Reena. "Hi, there. I am your new classmate from now on. I transferred."
Hindi parin nawala ang gulat sa mukha niya at parang nagulat siya lalo sa sinabi ni Julia. Ba't ganyan ang reaksyon ni Reena? I can also see panic in her eyes.
"Reena, ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya.
"A-Ah o-oo naman. G-Gulat na gulat lang ako."
"So Reena pala ang pangalan mo? Hi ulit." Sabi naman ni Julia na may ngiti sa labi.
"A-Ah hello," Sabi naman pabalik ni Reena at ramdam kong uneasy siya.
Nararamdaman din kaya ni Julia na uneasy si Reena? Why is she uneasy towards Julia all of a sudden? May atraso ba siya kay Julia?
*****
Nang matapos na ang klase ay dumiretso kami ni Julia sa last period ngayong araw. Hindi parin mawala sa isip ko ang pagka-uneasy ni Reena kay Julia.
"What's the matter, Zee?" Tanong ni Julia habang naglalakad kami.
"Did you see how uneasy Reena was towards you?"
"So, totoo yung nararamdaman ko? I thought it was just my infatuation that she's uneasy towards me!"
"May atraso ba siya sayo oh ano? May problema ba kayong dalawa?" Tanong ko sa kanya.
"Wala naman. Ngayon ko pa nga lang siya nakilala. Hindi pa kami nagkausap noon. Ngayon pa lang... Teka, bakit gulat na gulat kayo sa kanya kanina?"
"Gulat na gulat kami kanina kasi umiba siya. Iniba niya ang kanyang pananamit. Hindi na rin siya nagsusuot ng salamin kundi contact lens na lang. She changed... a lot." Pagpapaliwanag ko kay Julia.
"Bakit kaya siya nag-iba? Nacucurious ako." Sabi ni Julia. See? She's curious too!
"For a special someone daw, eh. Sabi niya kanina kasi tinanong ko siya."
"Are you serious?"
"Yes. Sabi niya kanina. But don't tell anyone, okay? Baka ayaw niyang ipagkalat, eh. Sayo ko lang sinabi ang tungkol sa bagay na ito."
"Okay. I promise I will not tell what you have told me to anyone." Sagot niya at tinaas niya pa ang kanan niyang kamay.
Napatawa ako sa ginawa niya at hindi namin namalayan na nakarating na pala kami sa 4th period class which is Research ni Mrs. Magallanes.
Naglecture si Prof M at pagkatapos 'non, binigyan niya kami ng pair activity. As usual, kami ang magkapares ni Julia. Wala na nga sigurong maninira sa samahan naming dalawa. Palaging kami ang partners. Parang partners in crime lang. Yun naman talaga ang magkakaibigan, partners in crime. Magkasangga sa lahat at hinding-hindi mabubuwag.
Pagkatapos ng klase ni Prof M, dumiretso muna kami ni Julia sa grocery store ng DU na masasabi ko ngang mall. Grocery store lang nga pero parang mall na dahil sa laki nito.
Tumingin ako sa mga frozen foods. Siguro ngayong gabi, magf-frozen foods lang kami tutal ay gabi naman. Oh kaya, delata na lang.
"Julia, magdelata na lang kaya tayo?" Suggest ko kay Julia na nasa tabi ko at namimili rin.
BINABASA MO ANG
Death University
Mystery / ThrillerZaya chose to run away from home with nowhere to go. After a long drive with her car, she stopped in front of a big old building, which turned out to be a school. When she entered, the truths started to unravel before her, and she meets the face of...