Chapter 29: Onyx
I'm all yours right now
I'm all yours right now
I'm all yours right now
Shit, why does his last sentence playing in my mind again and again like a broken record?
"I'm all yours right now, Demerine. Nandito ako ngayon para damayan ka... Mabuti lang at napadaan ako rito at narinig kita."
Oh, 'yun pala 'yun. Akala ko kung ano na. Parang ang husky kasi ng pagkakasabi niya nung 'I'm all yours right now'. Nakakapanindig balahibo. Mabuti naman at naliwanagan na ako.
"S-Salamat sa panyo, Selton, ha? Labhan ko muna 'to bago ko ibalik."
"Kahit hindi mo na labhan, Demerine, pwede mong ibalik." Naka-smirk niyang sabi na nagpabigla sa akin.
"Ikaw talaga," Nakangiti kong sabi sabay hampas ng dibdib niya.
"I'm just kidding. Gusto lang kitang patawanin."
"Thank you for being here, Selton. I feel relieved somehow." I said with a warm smile.
"You're always welcome, Demerine. Always welcome..." He said with his signature smile. "Bili kaya tayo ng pagkain?"
"Eh? Kakakain ko lang 'nung sushi,"
"Ay, oo nga pala. Edi samahan mo na lang akong bumili." Nakangisi niyang sabi.
Of course I can't say no to him. Sasama ako sa kanya upang makabawi sa pagmamagandang-loob niya sa akin. Bago kami umalis, pumunta muna ako sa fountain mismo upang maghilamos ng mukha because I look like a mess! Malinis naman ang tubig doon kaya no worries.
Dumiretso kami sa grocery store at pumili si Selton ng makakain. Pumunta siya sa Korean food section. Hindi ko akalain na interesado pala si Selton sa Korean foods kagaya ko.
"Kumakain ka rin pala ng Korean foods?" Natanong ko.
"Yeah, my dad was the one who influenced me to eat Korean foods when I was a kid." Sagot niya habang pumipili ng pagkain.
Pero nagtataka ako. Kung parehong nandito si Selton at Madame Selina, nasaan ang padre de pamilya nila?
"Nasaan 'yung dad mo, Selton? Kasi diba, pareho kayo ng mom mo ang nandito."
"He's dead," Sagot niya nagpagulat sa akin. Na-guilty tuloy ako dahil sa tinanong ko pa sa kanya.
"I-I'm sorry if I asked. H-Hindi ko alam. Sorry talaga."
"It's okay, Demerine. You don't need to apologize. Nagtanong ka lang naman so nothing's wrong with that." He said with a smile that didn't reach his eyes. "My Dad died when I was only twelve. He's been gone for ten years."
Wait, kung 12 years old siya 'nung namatay ang dad niya, and then ten years na ang nakalipas, it means na 22 years old na si Selton ngayon?
Pareho sila ng edad ng presidente nitong Death University? Eh... paano kaya kung siya ang presidente at hindi niya lang sinasabi sa akin? Shit, parang kinakabahan ako... Pero sandali, ang labo yata kung siya ang presidente ng DU. 'Yung pangalan ng President, Dark Damier Syracuse. Paanong naging si Selton 'yun? Pero kasi pwedeng si Selton 'yung presidente kasi 'yung headmistress ng DU ay 'yung nanay niya kaya fit na fit sa kanya ang posisyon.
"Demerine, are you okay? Mukhang ang lalim yata ng iniisip mo."
I snapped out of my thoughts immediately and faced him. "A-Ah, w-wala to. May naisip lang akong walang kwentang bagay."
BINABASA MO ANG
Death University
Mystery / ThrillerZaya chose to run away from home with nowhere to go. After a long drive with her car, she stopped in front of a big old building, which turned out to be a school. When she entered, the truths started to unravel before her, and she meets the face of...