Kabanata 3: Halawing Hilaw!

3.2K 139 81
                                    

A/N: This is sort of cheating coz I'm letting you guys on to something. :P Habang nagtatagal ang ating apat na bayani sa modern world, ay nagbabago rin ang lenggwahe. Di ko na kayo ipapanosebleed sa makalumang Tagalog sa mga susunod na chapters. Imagine: black and white film na unti-unting nagiging colored hanggang nagiging Blu-ray na. De joke.

***

Kabanata 3: Halawing Hilaw!

 

***

Pinagbabahagi nina Andres, Macario, Emilio, at Aurelio ang pera sa kanilang apat upang ingatan ito. Kailangang maging maagap. Nag-aalanganin pa rin sila sa makabagong Filipinas.

Tila naglaho na rin ang kanilang pagtitiis sa lubos nilang pagkagutom.

Wala namang nawala sa kanila... kundi ang kanilang nilamong agahan.

Eh paano naman... mukha kalanghap-langhap ang mga ritratong nagpiprisinta ng iba't ibang uri ng pagkain. Hindi nakakapeligrong tingnan. Kakaiba nga lamang. Wala pa sa kanilang karunungan ang konsepto ng spaghetti at fried chicken, ngunit iyon lamang ang pinakamalapit na fastfood chain at mukhang marami namang parokyanong kumakain doon.

Walang duda na nabigla ang kanilang mga sikmura. Organic ata ang mga hinahain sa ika-19 na siglo, at hindi pa uso noon ang mamantikang junk food.

Maayos naman ang lahat sa una. Si Emilio ang sumikap na nag-order, at mabuti naman ay pinagtiyagaan siya ng isang kaherang mukhang nasa good mood. Pawang turo ang ipinahayag ni Emilio at hindi naman umangal ang masayahing binibining kahera dahil maraming inorder ang binata.

Wala pang limang minuto noong umalis sila sa fastfood nang may naramdaman silang kakaiba. Samakatwid ay nagsitakbuhan sila sa isang desyertong eskina, at iniluwa lahat ang laman ng kanilang pobreng tiyan.

"Maawaing Birhen!" pananangis ni Aurelio. "Tayo'y nilinlang ng pagkain! Tama ba naman ito?"

"S-senyores," paghingal ni Macario; may nagbabadiyang luha sa kaniyang mga mata. "Sa unang pagkataon ay labis na nagkamali tayo ng pasiya!"

"Halos isang libong piso rin po ang halaga ng kinain natin, Senyores," pagbahagi ni Emiliong may kahapisan sa kanyang ekspresyon. "Maaksaya!"

Pinahiran ni Andres ang kanyang bibig at nanumbalik ang kaniyang astang pagkapinuno. "Kayo'y maniguradong hindi ito mauulit, mga ginoo. Iwasan na natin ang mga ganoong klaseng pagkain!"

At lahat sila'y masugid na tumango.

***

TOURIST HELP AREA, saad ng isang malaking karatula.

"Akalain niyo po," pagbulay-bulay ni Emilio, "na tayo'y manlalakbay sa sarili nating bayan."

Sila'y nagtipon sa gilid ng isang kubol kung saan nakasabit ang nasabing karatula, at sa booth na iyon ay may mga salansanang puno ng mga flyer. Ang karamihan ay mapa ng Maynila, kasabay ang iba't ibang tourist attractions. Kinuha ni Andres ang isa sa mga flyers at ito'y sinubukan basahin.

"Pambihira naman," bulalas ni Macario nang siya'y tumabi kay Andres. "Kahit ba naman ang mga ito'y nasa wikang Inggles! May naiintindihan ka ba sa mga salitang iyan, Andres?"

"Ako'y walang alam na sa mga bagong kalye't gusali!" malumanay na pahayag ni Aurelio sa kabila ng kaniyang pagliligalig.

Si Macario'y nayamot at kusang dumampot at sinuri ang mga flyer kung sakali may matagpuan siyang lugar na mamumukhaan niya. "Eto!" Inilantad niya ang isang flyer at ito'y tinapik.

Heroes Gone Haywire! [HGH Book 1] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon