Kabanata 6: New Friends!

3.1K 115 73
                                    

Kabanata 6: New Friends!

 

***

Nawa'y magiging mas kawili-wili ang panghapon na klase, isip ni Emilio sa sarili habang papasok sa isang silid na wari'y kasinlaki ng isang bahay-entablado noong panahon niya. Mataas ang kisame at maaliwalas ang paligid na tila naarawan. Nahahanay ang mga silya't mga desk na kulay aquamarine (ito ang school color). Mas magara pa ito sa mga una niyang classroom kaninang umaga at tuluyang namangha ang binata.

Mukhang napaaga siya. Bakante ang silid-aralan. Hindi pa nga tumutunog ang school bell.

Nabili na ni Emilio ang kaniyang required books sa campus bookstore noong lunch break. Sa tulong ng campus map na nakasilid sa student handbook ay unti-unting niyang isinaulo ang mga pasikot-sikot ng paaralan. Natukoy niya ang mga classroom at ang building kung saan matatagpuan ang mga ito.

Sa paghihintay sa kaniyang mga kaklase ay nagpalipas ng oras si Emilio sa pagbabasa ng Philosophy textbook. Tama ang hinala niyang nasa wikang Ingles ang librong ito, at hindi lang basta-bastang Ingles. Medyo lang naman tagos sa buto ang pagkalalim nito. Ito'y kaniyang pinagtiyagahan; sa kabutihang-palad ay naiintindihan naman ni Emilio ang pinagbabasa niya.

Umalingawngaw ang pagbubukas at pagsasara sa mga pinto sa silid at nasulyapan ni Emilio ang mga bagong-dating na mag-aaral. Anim silang kabataan, at sa kanilang tawanan at pangungutya sa isa't isa ay hindi nila napansin si Emilio. Iniwaksi ni Emilio ang nararamdamang kalumbayan nang minasdan niya ang magkakaibigan. Tila siya'y nag-iisa. Ipinagtutuloy niya ang pagbabasa.

"Hey, it's a new kid," ang narinig niyang bulong na galing sa isa sa mga bagong dating. Boses lalaki ito. Mukhang napuna nila na mag-isa lamang siya.

"Is he in the right class?" tanong ng isa pa; babae naman ito. "Haven't seen him before."

"Mukhang late enrollee," paliwanag naman ng isa pang lalaki. "He wasn't at the orientation."

"Hmmmm."

Nagsi-agikik ang mga ito. Sa sulok ng kaniyang paningin ay nakita ni Emilio na palibot silang pumuwesto sa kaniyang kinauupuan, ngunit nananatiling bakante ang mga silyang deretsong katabi niya. Sadyang binakante nila ang mga ito.

"Hey, new kid," tawag sa kaniya ng isa sa kanila.

Alam ni Emilio na siya ang tinutukoy. Tumingala siya; ilang segundong walang-imik niyang minasdan ang mga kaklaseng kapwa siyang pinagmamasdan. Saloobang tinadyakan ni Emilio ang kanyang sarili. Sa kanyang pag-aasta ay nagmumukha tuloy siyang hangal.

Bumaling siya sa pinaggalingan ng boses. Ito'y pagmamay-ari ng isang mestisuhing binata na may mapaglarong ekspresyon. Nakangiti ito. "What's your name?" tanong ito sa kanya.

Pilit niyang itindihin ang pinagsasabi-sabi ng binata. "Emi—" simula niya; bigla siyang huminto! Iba na nga pala ang pangalan niya sa panahong ito. "EJ," ang bulalas niya na tila naninibago sa sarili niyang palayaw.

"EJ? Initials ba 'yan? Do they stand for anything?" mausisang tanong ng isa sa mga babae.

Bago man tumugon si Emilio ay biglang nagsidatingan ang mga mag-aaral sa classroom. Umingay ang silid habang nagsiupuan ang mga ito. Hindi naglaon ay pumasok na rin ang propesor sa silid. Mukha itong matinik. Magsi-singkuwentang anyos na. Matuwid ang tindig nitong may batik na pagkaka-arogante.

"Aw shit, 'eto na naman tayo," bulong ng isang kaklase.

"Sir Cariño's gonna fuck everyone up," wika ng isa pa.

At mukhang ganoon nga ang nangyari. Mr. Cariño ang pangalan ng propesor, ngunit tila kabaligtaran sa kahulugan ang pag-aasta nito sa buong sangkatauhan—or specifically, sa kaniyang klase. Napakasalimuot ang kaniyang lecture at walang ginamit ni isang visual aid, at nang sumapit ang graded recitation ay inaasahan nito na dapat naintindihan ng klase ang lahat ng kaniyang tinalakay.

Heroes Gone Haywire! [HGH Book 1] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon