Kabanata 25: Ang Pakay Ni Oriang

1.1K 45 32
                                    

       

***

Kabanata 25: Ang Pakay Ni Oriang

***

Tuliro si Oriang. Ilang sandali siyang walang kibo, tila isang estatuwang may iisang ekspresyon lamang sa mukha: blanko, at nakatitig sa kawalan.

Totoo nga ba ang lahat na ipinahiwatig ni Conching sa kanya? Sa paglaho ng kanilang pagiging malapit sa isa't isa ay nabuo ng pag-aatubili si Oriang sa dating matalik na kababata. Mapagkakatiwalaan ba ito? Nababaliw na ba si Conching? Dati'y masigla itong dalagita, subalit ang pagkakaulila nito nang lubos ang maaring naging dahilan kung bakit ito'y kadalasang mag-isa, at tinanggihan ang lahat ng manliligaw nito.

Tanging kagawian lamang ang nagpumilit sa kanya upang kumilos at magsaing. Sa matinding kalungkutan, naalala niya na siya'y mag-iisang mag-aalmusal, ngayo'y nawawala ang kanyang pinakamamahal na Andres.

At... nawawala ito dahil ayon kay Conching ay--

Napadpad ito sa hinaharap?

Ano raw?

Ngunit seryoso at taimtim ang pagsabii ni Conching ang pagkahayag na ito. Natanto ni Oriang ang pagkakalitong tunay ng kaibigan, tila hindi rin niya naiintindihan ang mga pangyayari at mismong nag-aalinlangan sa sariling mga salita. Pinakinggan ni Oriang ang bawat salitang binitawan ni Conching sa paniniwalang malalaman niya ang sagot sa lahat ng mga misteryong bumabalot sa pagkakawala nina Andres at ang iba pa, kahibangan man o hindi.

"Maniwala ka sa akin, Oriang, kahit gaanong kakatwa ang mga sinasabi ko," pakiusap ni Conching. "Gawa ito ng kababalaghan, ng isang puwersang ating di-malirip. Naniniwala ka ba sa mga anito? Sa mga kaluluwa't multo?"

Tumindig ang balahibo noon ni Oriang at nanlamig ang katawan. "Naniniwala ako sa Panginoon, Conching. Habang naroroon ang Diyos, mapapalayo tayo sa ganoong uri na puwersa!"

"Totoo, totoo 'yan, Oriang," pakli ni Conching. "Marahil isang matinding pagsusubok ito ng Maykapal. Walang hindi imposible sa Kanya at sa mundong ito..."

Sa puntong iyon ay sumambulat ang mga luha ni Oriang. "Ano na ang gagawin ko? Isa lamang akong hamak na babae. Paano ko malalabanan ang puwesang ito? Paanong nangyari ang lahat? Isang saglit ay nasa aking piling si Andres; sa sunod, wala na. Wala na! Babalik ba siya sa akin, Conching? Sabihin mo ang aking dapat gawin... Gagawin ko!"

Inilapat ni Oriang ang kanyang mga palad sa balikat ni Conching; alam niya'y bakas na ang pagiging desperado sa kanyang mga mata. Hinding hindi siya papayag na maaga siyang mabiyuda!

Napatigil si Oriang nang masaksihan niya na tila nawalan ng malay si Conching na nakadilat pa ang mga mata; nawawala na ba ito sa sarili?

"Conching!" tawag ni Oriang sa dalaga.

Halong gulat at ginhawa ang naramdaman ni Oriang nang biglang nagkamalay si Conching; ito'y mabilis na kumurap na wari nagising sa isang panaginip.

"Ano'ng nangyari, Conching?" pagpilit ni Oriang.

Nakahimpil pa rin sila sa isang nakukubling sulok. Walang makakakinig na sinuman, ng kung anu-anong naliligaw na tainga.

Bumaling si Conching sa kanya. Lantad pa rin ang ligalig sa ekpresyon ng dalaga, ngunit may guhit ng pag-asa. Lumakas ang pagpintig ng puso ni Oriang.

"Anting-anting ay may gawa sa lahat na ito," bungad ni Conching.

"Anting-anting?" Hindi maalala ni Oriang kung may ganoong amuleta sa pag-aari ng kanyang asawa. Minsan lamang ito nagpahiwatig ng pagkakamapamahiin, nang ito'y nagpaalam sa mga anito sa isang masusukal na lugar. Paulit-ulit itong binanggit ang "tabi tabi po," palingon-lingon sa kanya, nakangiti, tila ipinapakilala nito ang iba't ibang mukha ng kanyang pagkatao, na si Andres, isang edukadong lalaki, isang Mason, ay naniniwala sa mga espiritu rin.

Heroes Gone Haywire! [HGH Book 1] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon