Kabanata 33: Torn Together (Part 2)

800 62 21
                                    




***

Kabanata 33: Torn Together (Part 2)

***

Nakailang buntunghina si Aurelio, pero hindi dahil sa kapanatagan ng loob.

He sat in front of his untouched breakfast na bagong-luto pa (pinagtiyagaan ni Andres na siyang unang gumising). Nakahaing ang kapeng hindi pa niya iniinom.

At ilang sigundo ring nakatitig sina Andres, Macario, at Emilio sa kanya. Pansamantalang huminto sila sa kanilang pag-aagahan.

Aurelio sighed for the nth time.

"Pssst, uy," tawag-pansin ni Macario sa nakasalamin na kaiban.

"H-ha?" tugon naman ni Aurelio na papungay-pungay, palibhasa'y kulang sa tulog. Obvious na obvious ang nangingitim na pasa sa ilalim ng kanyang mga mata (aka eyebags).

"Bakit parang anlalim naman 'yang iniisip mo, kapatid?" dugtong ni Macario.

"Alam ko pong ito'y isang napakamangmang na tanong ngunit, Senyor Aurelio—may problema ba ho kayo?" pag-usisa ni Emilio.

Nananatiling tahimik si Andres at minasdan si Aurelio.

Napalunok ang butihing ginoo. "Eh... ano... kasi..."

"Kung ito pa rin ay dahil sa kuwento ni Ginoong Pascual—ay huwag mo na 'yang pag-ukulan ng hinagpis," ang mahinanong sabi ni Andres. "Ang Diyos lamang ang may alam kung ano nga ba talaga ang hantungan ng lahat na ito."

"Ah, paumanhin, mga kapatid," anas Aurelio na malamlam ang tinig. "Maliban sa kaalaman na 'yon ay may malaki akong suliranin... O Panginoon... hindi ko na sana inamin sa kanya...!"

"Inamin?" kagyat na pag-ulit ni Macariong lubos na na-iintriga. "Eh... ng ano? Para kanino?"

Dumaan ang ilang sandali bago sumagot si Aurelio.

"Mga kaibigan... humihingi ako ng tawad ngunit—ako'y umiibig!" bulalas ni Aurelio. "Pero... para sa akin ito'y napakamasalimuot! Dalisay nga ba ang tawag sa pag-iibigang maestro at mag-aaral?"

Tumahimik ang lahat.

"Oo, inaamin ko sa aking pinakamabait at pinakamagaling na estudyante kong si Michelle na... na iniibig ko siya gaya rin niya sa akin!" bantas ng pobreng Drama teacher.

Ngunit sa hindi-inasahang pagkakataon ay dumilim ang mukha ni Andres—tila nagtitimpi. Sa wakas ay nagpahiwatig ito ng saloobin.

"Hindi kita masisisi, kapatid, kung iyon ang tawag ng tibok ng puso mo," simula ng kagalang-galang na ginoo. "Ngunit... hindi ko maikubli ang aking pag-aalala't halong yamot. Tayo'y napapadpad sa panahong ito at sa una'y walang natirang landas na maari nating tahakin kundi ang magkaroon ng mga bagong buhay at identitad. Pero ito ang katotohanan—ligawan na lang ba ang magiging hangganan nito?"

"Senyor Andres," mahinang wika ni Emilio na bahagyang nababalisa. "Naiintindihan ko po kayo, at ako mismo'y humihingi sa 'yo ng paumanhin, ngunit sana'y huwag maging masydong malupit—"

"Iba ang kaso mo, bunso," putol ni Andres na ginawaran ng matigas na tingin sa binatilyo. "Hindi rin kita masisi, ngunit sa ngayon ay labas ka muna sa suliranin namin nina Macario't Aureliong may pagkataon pang makauwi sa nakaraan. Huwag kang masaktan, mahal naming Ilyong. Ngunit mas mahigpit lamang ako ngayon sa sitwasyon nina Senyor Aurelio at Senyor Macario."

"Ah, naging pabaya ako," pananangis ni Aurelio. "Hindi ko sinasadyang mapariwara ang plano nating makabalik. Kusang binitawan ko ang katagang pag-aamin sa aking sinasawatang pagmamahal sa dalagitang Michelle. Hay... itong pag-ibig na ito!! Leche!"

Heroes Gone Haywire! [HGH Book 1] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon