Kabanata 7: Choose Your Weapon

2.9K 89 61
                                    

Kabanata 7: Choose Your Weapon

***

Tinatapik-tapik ni Macario ang counter ng parcel holding area kung saan siya'y naghihintay sa kanyang assigned parcels. Nais niyang maniwala na tuluyan na siyang nasasanay sa modernong Pilipinas kahit kaliwa't kanang nagkakaroon siya ng mga bagong experience, mga natutunan at nasisilayan—gaya ng kontrapsyong nakakakabit sa dingding ng office na umagaw sa kanyang pansin noong binuksan ito ng kanyang katrabaho.

Masdan! Ang flat-screen television na may cable channels.

Mistulang nag feel-at-home ang kanyang kasamahan habang pinapanood nito ang kontrapsyong kung saan may mga ritratong gumagalaw; para nga itong isang munting teatro! May mga tunog, musika, at kulay. Isang boses-lalaki ang sumalubog sa kaniyang pandinig gamit ang wikang Ingles.

Kumportable ang kapaligiran ng opisina. May bottomless coffee sa sulok kung kaya't umaagos ang nahahalinang amoy ng kape at gatas. Air-conditioned ang buong silid, at ang upuang nakahilera sa gilid ng TV room ay padded at malinis.

"Hans, mahilig ka pala sa History Channel, ah," obserba ng lalaking nasa likod ng counter na tila namamahinga muna.

"Oo naman," tugon ang katrabaho nilang si Hans. Dineretso uli  ang atensyon nito sa palabas. "Basta, nakakalibang. Lalo na 'yung  war documentaries! Tingnan mo naman! Mga malalaking missile!"

Sandaling tumawa ang lalaking nasa likod ng counter na nangangalang Henry. "Pang World War III ata ang mga 'yan, p're," komento nito.

Hindi na umimik si Hans. Minsan itong tumango na may nakatatak na ngiti sa labi nito.

Nahagilap ni Macario ang mga imaheng mabilis na gumagalaw sa television screen. Panay mga pagsabog, mga matitinis na sunod-sunod na pagpuputok ng baril at ang daloy ng usok; ito'y minasdan ni Macario hanggang nakapako na ang kaniyang buong atensyon sa documentary.

May naririnig si Macariong pangalan ng ibang bansa, tulad ng United States, Afghanistan, at Iraq. Batid naman niya na ang nababanggit ay pangalan nga ng mga bansa; hindi lang niya kabisado kung saan matatagpuan ang mga ito sa globo.

Subalit ang talagang humigop sa kaniyang atensyon ay ang mga samut saring sandata.

Ibang-iba ang hitsura ng mga modernong sundalo. Tila buong bahay na ang kanilang bitbit upang maka-survive nang husto sa isang misyon. Naka-camouflage ang mga ito; ang iba pa'y nakapintura ang mukha upang makumpleto ang ilusyon ng camouflage. Nakabota ang mga ito at maliliksi ang kanilang mga galaw. Halos tahimik ang kanilang mga yabag.

At ang mga baril—ibang klase nga talaga! Kahit ang pinakamunting baril ay kaya-kayang wasakin ang isang malaking sakong puno ng buhangin na walang kahirap-hirap. Ang isa nama'y tuloy-tuloy ang pagpapaputok kahit isang beses lang hinila ang gatilyo. Sunod naman ay ang mala-kanyon na missile shooter na ilan ring talampakan ang firing range, at sa pagsabog nito'y tiyak na walang matitirang buhay sa paligid.

Napailing si Macario, ngunit sa kaloob-looban niya'y nadarama niya ang galak at mataimtim na interes na inalahad ng isang sundalo sa mga armas pag panahon ng digmaan. Ang ganitong klaseng mga sandata—ito'y kailangan na kailangan ng Katipunan! Halos wala silang naiipong armas, at umaasa lamang sila sa mga nakaw na parte ng rebolber na kung itakas man ay hindi mapapansin ito ng tapagangasiwa o mga autoridad. Ang mga baril na ginagamit ng kasalukuyang United States military... iyan ang mga klaseng sandata na maaring magpapasindak sa—

"Mark, uy, Mark! Eto oh! Nalunod na sa History Channel! May idi-deliver ka pa, uy!" tawag ni Henry, at bumalik agad si Macario sa realidad. Bahagya siyang nagbuntunghininga. Sa imahinasyon niya'y hawak niya ang mga ganyang klaseng baril, mga "state of the art" (ani voiceover ng documentary) na missile launcher. Libreng mangarap, palagay ni Macario. Nanumbalik ang kaniyang ngiti at kinuha niya ang kanyang assigned parcels mula kay Henry.

Heroes Gone Haywire! [HGH Book 1] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon