***
Kabanata 22: Nagmamangasiwa't Nagmamalakasit***
"Good morning po, Sir!" bati ni manong guard sa bulwagan pagpasok na pagpasok ni Andres sa building. Bahagya siyang nagkunot-noo. Bagamat araw-araw na bumabati si Mang Eusesbio sa kanya ay ngayon lang ata niyang napansin na may kakaibang paggalang sa kanya. At saka ang lawak ng ngiti nito.
"Magandang araw rin po, Ginoong Sebio," sukli ni Andres.
Nang nakarating siya sa elevator, sumalubong sa kanya si Bb. Chelsea, ang elevator operator.
"Good morning po, Sir Simon," nakangiti ring bati ng dalaga. "Eighth floor, ano ho?"
"Ah," sabi ni Andres. "Oo, Chelsea. Maraming salamat."
"No problem, sir!" wika ni Chelsea.
Bumaba siyang elevator at may habol na bati ang dalaga.
"Have a nice day po, Sir Simon!"
"Oo, ikaw rin, Chelsea. Have a nice day."
Masyadong maaga para punahin ang pagtrato sa kanya na tila isa siyang nakapahalagang panauhin. Siya'y isang hamak na empleyado lamang na nagkataong nakapasok sa department ng talaan sa sales ng kumpanya. Simpleng pag-input lang ng data ang ginagawa niya.
"Good morning, Sir Simon!" salubong ni Jeffrey Cortes, ang receptionist ng opisina.
"Good morning..."
Nag-ulan na ng pagbati.
"Good morning po, Sir!"
"Uy, Sir Simon ka na pala ha! Congrats!"
"Apat na buwan lang, pero deserving, p're! Huwag kasi laging babad sa trabaho!" nakatawang wika ni Dennis, isa sa laging kumakausap sa kanya sa pantry (kahit kung minsan one-sided ang conversation).
"Ah..."
On his way to his cubicle ay marami pang bumati sa kanya. Ngiti, tapik sa balikat, at may mga nagkamay pa sa kanya.
"Magpa-pizza ka naman, Sir Simon!" pabirong mungkahi ng isa.
"Ano kamo—pitsa?" abalang pag-uulit ni Andres.
Sa wakas ay nakarating siya sa cubicle. Paupo na sana nang nakita niyang halos walang laman ang kanyang desk! Naku, eh sinong naglipat sa kanyang mga files? Ang mga folders?
Magtatanong na sana siya tungkol sa pangyayari nang sumulpot ulit si Dennis out of nowhere at umakbay sa kanya.
"HOY! At parang tulala ka, pareng Simon! Hindi mo ba alam, ha? Ikaw na nga 'yong pri-nomote, ikaw pa'ng huli sa balita..."
"Teka, ano sabi, pareng Dennis...?"
Humalakhak ang bilugang lalaki na si Dennis. Nagturo ito sa white board sa unahan ng office. "Actually kahapon pa iyan pinaskil, pare. After office hours. Sina Tobie at Lorenz ang natira at napansin nila agad na..."
Dagling binasa ni Andres ang titulo na ipinagkaloob sa kanya sa ilalim ng kanyang 2x2-inch photo na bagong–lipat din sa pinakatuktok ng white board.
"Department Supervisor..." anas niya.
"O DIBA??? Ang sipag-sipag mo kasi... sa bagay, may panahon." Umalik-ik si Dennis. "God is fair din, ano? Sa bagay, kung may binubuhay kang pamilya, baka wala nga sa bansa kasi ang focused mo sa mga tungkulin, parang walang inuuwian..."
"Ganoon ba, pareng Dennis?" Manghang nakatutok pa rin ang titig ni Andres sa white board, sa bago niyang posisyon sa kumpanya. Sandali niyang naalala si Oriang, at sa puso niya'y sana nga sa panahong ito ay binubuhay niya ito, at umuuwi sa piling nito. Naramdaman niya ang saglitang kirot sa puso.
BINABASA MO ANG
Heroes Gone Haywire! [HGH Book 1] [Completed]
Ficção Histórica[[Wattpad Featured Story, "Fantasy"]] Mysterious forces send four young men into the future: sila'y sina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Macario Sakay, and Aurelio Tolentino. Sa taong 1894 ay mga ganap silang Katipunero, ngunit mag-iiba ba ang da...