Kabanata 26: The Truth Shall Set You Free? (Part 1)

863 43 37
                                    

***

Kabanata 26: The Truth Shall Set You Free? (Part 1)


***

"Lapit nang next class, uy, EJ!" paalala ng isang yamot na JR habang pinapanood nito ang isang abala na Emilio sa paggayak ng isang dosenang libro. "Sinimot mo ba 'yung buong library? Reading speed mo ata ay 2 minutes per book..."

Mahinahon ang sagot ni Emilio. "Kalahati sa librong ito ay kay Erin."

Nangislap ang mga mata ni JR. "Girlfriend mo na nga ba si Erin, bro?" pangungutya nito. "Who needs labels, 'di ba?"

Umiling-iling si Emilio, at sa wakas ay may dumapong maliit na ngiti sa kanyang labi. "Mataos na panliligaw pa rin ito, JR. Hindi naman mabigat ang mga libro. Nagpapasalamat na nga ako't muling tinututukan ni Erin nang husto ang kanyang pag-aaral. Wala akong reklamo."

"In case you didn't know, man," paliwanag ni JR, "ikaw 'yung may kasalanan sa lahat na ito. Masyado kang good influence. Are you for fucking real? Ilang beses ko na 'yan tinanong sa sarili ko. Baka imaginary friend lang kita," biro ng binatang Italyano.

Bago man makasagot si EJ ay nagsenyales na ang school bell na pasimula na ang next class period.

"Patay!" ani JR.

Subalit nang pumasok sila sa classroom ay nagmistulang palengke sa ingay ng mga estudyante.

"Nahuli ba si Miss Antonio?" usisa agad ni Emilio sa pag-upo niya kina Jace Novak and friends. Bukas ang laptop ng mestisong Hungarian at may pinapanood na racing action movie (Fast & Furious 6, clear HDRip).

"Absent," simpleng sagot ni Jace na naka-focus sa movie.

Nagpalit ng tinging sina Emilio at JR. Tila nag-ilaw ang mukha ni JR.

"Nababasa ko yang isip mo 'yan, EJ," bulong ng binata. "Gusto mong kumustahin si Erin, right?"

"Ah..." nag-alangang sabi ni Emilio.

"At itu-tutor mo siya sa history," dugtong ni JR.

Inilapit ni Emilio ang mukha niya kay JR na tila may pabirong banta sa kanyang mata. "Akala mo'y kilalang-kilala mo ako, JR, pero hindi mo talaga ako makikilala nang buo."

"Ang drama, amputa," ngisi ni JR.

"Sige, pupuntahan ko si Erin," biglang palugod na ekpresyon ni Emilio. Aalis na rin sana ang Italyanong binata sa upuan nito nang pinigilan siya ni Emilio. "Hindi ko kailangan ng chaperone, kaibigan," panudyong wika kay JR.

"Eh di ikaw na ang boyfriend," patuyang sagot ni JR na tuloy ang pangingisi.

Iniwan ni Emilio ang binata bago man ito'y sumumbat pa.

Alam ni Emilio na vacant period ngayon ni Erin at malamang nasa Zen Garden na tahimik na nagbabasa. Patagong ngumiti ang binatilyo. Ito nga ba ang dating Erin, na bumabalik sa sariling nagpapangarap muli at may pag-asa para sa kinabukasan nang noo'y puno ng pait at galit?

At soon nga niya natagpuan ang dalagita. Ngunit sa bahagyang gulat ni Emilio ay hindi ito nagbabasa—sa halip ay ito'y gumuguhit sa isang malaking drawing pad.

May kadalubhasan si Emilio sa pagkilos at paglakad na walang kaingay-ingay—bahagi ito ng kanyang pagsasanay bilang Katipunero. Hmmm. Biglaan at pasulpot-sulpot ang mga tagpi-tagping alaala ng nakaraan. Tila mga pira-piraso lamang.

Dahan-dahang inilapit ng binata ang kanyang bibig sa tainga ng dalaga. "Erin," magiliw na bulong niya.

"SHIT!!!" sigaw ng dalaga'y napabangon sa kanyang kinauupuan.

Heroes Gone Haywire! [HGH Book 1] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon