Kabanata 8: Two Steps Forward

2.4K 93 67
                                    

Kabanata 8: Two Steps Forward

***

Ang weekly lesson plan ni Professor Aurelio—or should we say, Mr. Valenzuela—was due in two hours.

Siempre may nakahanda na siyang lesson plan noong nag-apply siya sa simula pa lamang ng term, ngunit tinanggap ng college ang application niya nang madalian, kung kaya't madalian din siyang naghalungkat ng mga paksa tungkol sa mga komedya, trahedya, atbp. na nangingibabaw sa kanyang memorya.

Please elaborate on your weekly lessons, ani liham na galing sa Dean.

Nagkataong ito'y isang mainam na Biyernes nang umaga, at ang unang tatlong oras ng kanyang working day ay libre; nagpasiya si Aurelio na magtungo muna sa Library at mananaliksik pa para sa kanyang lesson plan. Naninibago pa rin siya sa bagong sistema sa paghihiram ng mga libro (may pa-digital code pang nalalaman ang paaralan ngayon, kamot-ulong paggunita ni Aurelio). Mabuti naman ay nakakatulong nang maayos ang mga library assistant. Maari rin naman niyang pag-aaralan ang bagong sistema, ngunit may deadline nga siya at aabot siya ng siyam-siyam kung ngayon pa niyang gagawin iyon.

Nababaon na si Aurelio sa likod ng isang mataas na tore ng libro katabi ng isang malapad na glass window. Binuklat ni Aurelio ang mga libro, nagbasa-basa't tinalaan ang mga pahinang nagustuhan niya. Ginamit niya ang mga maliliit na Post-Its na ibinigay sa kaniya ng kapwa niyang propesor na mahilig ding magmarka ng mga libro.

Nagninilay-nilay si Aurelio na may halong paglilibang. Umunlad na nang husto ang World Drama, at madali nang makakuha ng kopya ng mga klasikal na akda, di tulad sa panahon niya. May mga dula nina Aristophanes at Sophacles, mga makapal-kapal na tomo ng mga katha ni Shakespeare, may Chaucer at Homer (hindi naman sila considered as plays, pero na-interesado rin si Aurelio sa mga ito). Namangha siya kina Checkhov; napabulay-bulay kina Miller. Masigasig ang kanyang pagtatrabaho kung kaya't wagas ang pagkagulat nito nang tumunog (in vibrate mode) ang cell phone niya.

Napayakap siya sa kanyang tore ng libro na halos gumuho buhat ng kanyang pagkagitla.

Tumikhim siya't inayos ang sarili.

Dinampot niya ang cell phone na isinilid niya sa kanyang suit pocket. Nagsusuot siya ng suit sa klase. Pakiramdam niya'y maslalo pang nagiging kagalang-galang ang kanyang hitsura. Lingid sa kaalaman niya ay may mga dalagitang nahahalina na sa kanya dahil sa kanyang pagsusuot ng glasses. May image siya na animo'y edukadong-edukado.

Binasa niya ang tinanggap niyang text message (medyo madali na para kay Aurelio ang pag-operate ng cell phone, thanks to Emilio's crash course!):

Kung sa mga daang nilalakaran mo,
may puting bulaklak ang nagyukong damo 
na nang dumaan ka ay biglang tumungo 
tila nahihiyang tumunghay sa iyo. . .
Irog, iya'y ako!

"Hmmm," ani Aurelio. Malamang galing ito sa isang lumang tula, gawa ng isang klasikal na makata na hindi pa pamilyar sa kanya. Scri-noll down ni Aurelio ang message at ito ang nabasa niyang pangalan:

~Jose Corazon de Jesus

Wala naman siyang estudyante na may ganoong pangalan (bukod sa walang nag-enroll na lalaki sa klase niya); iyon ata ang pangalan ng may-akda ng tula. Anyway, ang mensahe ay galing sa isang unknown sender. Nagkunot-noo si Aurelio. Hindi niya maalala kung kailan niyang ibinigay ang kanyang number sa—

Ay, siyanga, nilagay nga pala niya ito sa course syllabus ng klase. Para lamang sa consultation hinggil sa mga aralin ang pakay niya sa pagbahagi ng kanyang cell phone number. Iyon, at requirement daw ng Dean.

Heroes Gone Haywire! [HGH Book 1] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon