***Kabanata 31: Tsa at Kape
***
Ilang beses rin pabalik-balik si Aurelio sa kusina ng apartment na tila wala sa sarili. Paulit-ulit na mag-iinit ng tubig sa microwave (kabisado na po siya sa modern appliances), magtitimpla ng kape, tititig sa kawalan, kapagkuwa'y magtitimpla na salitan ng tsang pampakalma.
Naykupu, isip ni Aurelio sa sarili nang namalayan na lamang na nakatatlong tasa na siya ng tsa, at nakalimang tasa ng kape. Ito ba'ng tinatawag nilang nervous breakdown? Nakakakilabot!! Hindi ko alam itong ginagawa ko...
"BUENAS NOCHES, Senyor Aurelio!!!!!!!"
Hindi agad nag-register sa isip ng nasabing ginoo kung sino ang may-ari sa boses na iyon. Tila slow-motion ang kanyang paglingon sa direksyon ng boses, na todo-mulat ang mga mata.
Kumurap siya.
"Demonyo!" hiyaw ni Aureliong nangagatal ang mga kamay; nagkuliling ang tasa at platitong hawak niya sa puwersa. "Bigla ka na lamang susulpot at sisigaw, Senyor Macario! Aba'y walang bingi sa pamamahay na ito!!"
"Nagulat ka pala," kamot-ulong pagtataka ni Macario. "Eh, ilang segundo mo rin akong pinagmasdan bago ika'y nagsalita! Iyan po ba ang gawi ng nabulabog, Senyor Aurelio? At tsaka," nag-usisa ang binata sa inumin ni Aurelio, "parang tsa naman ang iniinom mo. Cha-chamomile," basa nito sa teabag tag. "Hmmm, paborito iyon ni Crystal. Pampaalis-kabag din raw. Bakit, may kabag—"
"Ano ba't ang dami mong sinasabi!" bulalas ni Aureliong nauubos ang pasensya, sabay higop sa tsang nanginginig pa ang kamay.
"Por Dios, Senyor Aurelio!" pagsaway ni Macario sa kaibigan sa unang pagkakataon. "Ay talaga namang magkakanduluko-luko ang iyong mga litid!! Nakabukas rin ang kape at krema! Napadami ka ba po rin sa asukal?" Nagbitaw ito ng isang madamdaming buntunghininga. "Mukhang may inaalaala ba tayo nang lubos, Senyor? Sabihin mo na't dadamayan kita!"
Sa isang saglit ay ibig na ni Aureliong patulan ang kaibigan para ito'y tumigil sa pagdaldal. Mas lalong lumalala ang kaniyang sumasakit na ulo. Siya ang unang nakauwi sa kanilang apat na magkaibigan kung kaya't iginugol niya ang halos dalawang oras sa kaniyang pag-isa para ma-process ang lahat ng mga sinabi ni Mr. Pascual noong tanghaling iyon— si Robert Pascual, ang kaniyang number one fan—este, number one fan ni Aurelio Tolentino ng nakaraan.
Hindi siya tinigilan ni Mr. Pascual sa buong araw na sila'y naka-break time sa faculty room. Ipinahiwatig ni Aurelio na ito'y iniiwasan na niya't lagi na siyang nagdadahilan sa mga sandaling palapit na ang Social Science na professor.
"Gene, hawig na hawig mo talaga itong si Aurelio Tolentino," pang-ten thousand na beses na inulit na ni Mr. Pascual sa kanya. Sa shock and horror ni Aurelio ay may dala itong mga makakapal na history book.
Ang tawag nito ay obessesion, puna ni Aurelio sa kilos ng kapuwang guro.
"What if ikaw ang reincarnation niya, ha?" pa-mungkahi ni Mr. Pascual na seryosong-seryoso. "Tapos ito ang past life mo! Ang exciting kaya na past life mo ang buhay ng isang national hero..."
Naging bayani nga ba talaga ako? isip ni Aureliong nakapaskil na ang isang peke at mapagtiis na ngiti sa kaniyang mukha. Baka hindi na ako iyan. Baka ibang Aurelio na. Pero naaalala ko pa rin na pagatol-gatol ang panahong pinagganlingan ko. My goodness! This is madness!
Ang sunod na nangyari ay hindi inasahan ni Aurelio. Nagbuklat si Mr. Pascual sa isa sa mga history book na tamang-tama nasa pahina kung saan nakasulat ang biography ni...
Andres.
Andres Bonifacio.
Si Senyor Andres!
BINABASA MO ANG
Heroes Gone Haywire! [HGH Book 1] [Completed]
Ficción histórica[[Wattpad Featured Story, "Fantasy"]] Mysterious forces send four young men into the future: sila'y sina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Macario Sakay, and Aurelio Tolentino. Sa taong 1894 ay mga ganap silang Katipunero, ngunit mag-iiba ba ang da...