***Kabanata 28: The Truth Shall Set You Free? (Part 3)
***
Napatunganga si Emilio.
He had a long, emotionally draining day, at ang pinakahuling bagay na nais niyang datnan ay harapin ang isa pang malaking pagsubok.
"Binibini—" simula ng binata.
"Pare-pareho pa ang mga asta niyo," patuloy ng dalagang si Crystal. "Na para bang old-fashioned na magsalita!"
Maganda ito—maputi, tila isang maselang manika. Mahahaba at malalago ang pilik-mata, ngunit hindi magawang tumitig ng diretso si Emilio sa mga nanlilisik nitong mga mata.
Huminga si Emilio ng malalim.
"Pakiusap, huminahon po kayo," payo niya sa dalaga. Binuksan ng husto ni Emilio ang pinto sa apartment. "Wala pa po si Kuya Mark. Tuloy po muna kayo, at ipapaliwanag po namin ang lahat pagdating na pagdating ni Kuya."
Walang alanganing pumasok si Crystal sa apartment, na tila nanggigilid muli ang mga luha nito. Namula ito't nagpalingo-lingo sa paligid.
"Maganda pala ang apartment niyo," hindi-inaasahang komento ni Crystal. "Malinis. Parang hindi apartment ng lalaki..."
Aba aba, isip ni Emilio. Hindi lang larangan ng kababaihan ang nagsisiguradong malinis ang tahanan. Bata pa si Emilio ay natuto na siyang magkuskos sa bawat sulok ng kanilang maliit na kubo na tinirhan nila ng kaniyang ina.
Mukhang napaka-opinionated si Crysal. Mukhang may strong personality at malakas ang loob nitong sumugod sa kanilang private property...
"Umupo muna kayo," alok ni Emilio. Inilapag niya ang kaniyang bag sa isang side table sa salas. Inalintana ng binata ang muling lakas ng pintig ng puso niya sa kaba. Huminahon man si Crystal ay sa katunayan ay hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya, kung ano ang sasabihin niya. Isang estranghero si Crystal para sa kaniya at hindi niya mabatid kung ano ang magiging reaksyon nito kung muli niyang ipagtatapat ang totoo.
"Ilang sandali ay darating na po si Kuya," patag na wika ni Emilio. "Gusto niyo ba ho ng inumin? Kumain na po kayo ng hapunan?"
Sa kaniyang kaginhawaan ay tumalima naman ang dalaga. Umupo ito at inilagay muli ang kaniyang isinawalat na papeles sa isang plastic folder na dala nito.
Crystal regarded Emilio with guarded fascination. "Ang formal mo naman. At pino-po mo ako na parang ang tanda ko na." Kumuwit ang isang maliit na ngiti sa kulay-rosas na labi nito. "Wala pa akong twenty-three. At parang ambata mo pa. How old are you? EJ ang pangalan mo, 'di ba?"
"A-ah," pautal na ani Emilio. "Inumin?"
"Mamaya na," sabi ng dalaga. "Mukha ka namang mabait. Just answer my questions, okay?"
Hindi naman marahas ang pagkasabi dito. Sa halip ay tila naging malamyos ang tinig ni Crystal—animo'y kinakausap nga ang isang bata. Hindi alam ni Emilio kung maiinis siya o ano.
Mabait nga ba ako? pilyong isip ng binatilyo. Nagawa niyang sabihin ang katotohanan kina Erin at JR kahit nagmistula na siyang baliw. Pero para kay Crystal?—nasaan na nga si Ginoong Macario? Ito na sana ang bahala sa dalaga.
"Oo, EJ ang pangalan ko," tugon sa wakas ni Emilio. "Labinwalong taong gulang."
"Parang mas bata ka pang tingnan," obserba ni Crystal. "I thought mga sixteen ka lang."
Naman. Pinilit na hindi sumimangot si Emilio. Ganitong mga binibini pala ang tipo ni Ginoong Macario—na inilalahad ang bawat nasa isip nito!
BINABASA MO ANG
Heroes Gone Haywire! [HGH Book 1] [Completed]
Ficción histórica[[Wattpad Featured Story, "Fantasy"]] Mysterious forces send four young men into the future: sila'y sina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Macario Sakay, and Aurelio Tolentino. Sa taong 1894 ay mga ganap silang Katipunero, ngunit mag-iiba ba ang da...