Kabanata 32: Torn Together (Part 1)

794 40 44
                                    

***

Kabanata 32: Torn Together (Part 1)

***

Hindi magawang mag-hit ng "send" si Aurelio sa iniadka niyang resignation letter. Naka-ilang revisions na siya, ngunit may dalawang bagay na pumigpigil sa kanya: na nako-conscious pa siya sa kaniyang English grammar, at... sa kabila ng lahat, sa kabila ng pag-asang makakabalik siya sa mundo ng 1894 ay hindi pa niya kayang iwanan ang lahat.

Ito'y kung tawagin ng mga bata'y "mixed emotions."

Batid ni Aurelio na hindi pa tiyak ang lahat; may ritwales pang kailangang gawin at... maaasahan nga ba si Macario na gawing perpekto ang lahat ng dapat niyang gawin sa anting-anting?

Sa ngayon, hindi bale pa. Pinagtitigan ni Aurelio ang cursor sa computer niya na pa-blink lamang. Nag-iisa na siya sa faculty room. Nagpasyang mag-earphones siya kung sakali maintindihan ni Mr. Pascual na ayaw muna niyang makipaghalubilo sa madla. Imbis na maka-focus siya ay medyo na-distract, dahil ang playlist na nasa smartphone niya ay pawang kanta na ini-download ni Michelle para sa kanya (May "Les Miserables" na number din!). Hindi puro "hugot" o sawi na kanta (oo, ang tawag nga'y "hugot," isip ni Aurelio); sa halip ay may mga upbeat at masayang kanta.

May nangilid na ngiti sa bibig ni Aurelio. Itong si Michelle—kakaibang dalagita. Noong una'y tahimik at mahiyain, ay masayahin pala ito, may kadaldalan din pag walang sumpong, kay tamis ang ngiti...

TEKA, ani Aurelio sa sarili. Wala sa isip niyang pinag-sampal ang sarili.

Ito pa nga't sariwa ang kirot dulot ng nalalaman niyang ukol sa kapalaran ng kaniyang mga kaibigan. Magiging o naging totoo nga ba ang lahat na iyon? Malay niya, malay nila. Marahil malalaman nila pagbalik nila sa akma nilang panahon.

Bumuntunghininga si Aurelio sa isang pansamantalang pagsuko. He closed the email window; hinayaan pa rin niyang manatili ang resignation letter sa drafts folder.

Oo, hindi niya kayang iwanan ang Drama Guild, ngayong magpe-perform na ang mga bata dalawang araw mula ngayon: it would be the big opening day of their modern take on the Greek tragedy na "Antigone" ni Sophacles.

Isa sa mga founder ng Drama Guild si Michelle. He would not let her down.

Magliligpit na sana si Aurelio nang may narinig siyang katok sa faculty room door.

"Santissimo—aba'y mag-a-alas otso na pala! Sino kaya 'yon?" Alas-dies pa naman ang closing ng school kung saan nila-lock na ang mga gate at sinusuri ng security guards ang bawat sulok ng school grounds kung may natitira pang mga estudyante. Mas higpit ngayon; wala pang isang buwan noong nangyari ang kaguluhuhan kung saan muntik nang mapahamak si Emilio. If ever, mga guro lang ang maaring maiwan sa school grounds.

Sana naman hindi si Ginoong Pascual, maktol ni Aurelio sa kaniyang loob-looban. With a sigh, he stood up from his desk and opened the door.

Hindi niya inasahan na bubungad sa kaniya ang magandang mukha ni Michelle Lorenzo sa may pintuan.

"M-Miss Lorenzo!" pautal na bulalas ni Aurelio. Siya'y lumunok. Kumurap-kurap. Nag-fog ang kaniyang salamin.

"Dios mio—" na-disorient siya nang biglang lumabo ang kanyang paningin nang nag-fog ang glasses niya.

"Sir G!" patawang tawag ni Michelle sa kanya—isang tawang napakapuro't nakakaaliw.

"Teka, iha!" Huhubarin sana ni Aurelio ang kaniyang taksil na salamin nang sa buong gulat niya'y marahang hinila ni Michelle ang mga ito palayo sa kanyang mukha.

Heroes Gone Haywire! [HGH Book 1] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon