Kabanata 12: The New Car
***
Sinalubong ni Mr. Chua si Andres nang umagang iyon na may suot na napakalapad na ngiti, at kumikinang pa ang mga mata nito. Kaka-clock-in lang ni Andres sa opisina; agad-agad na lumapit ang superbisor. May hawak ito, at ito'y inangat at kinalampag.
Nagtaka si Andres kung ano'ng bagay na iyon. Tiningnan niya ito nang maiigi—mukhang isang makintab na susi na nakakabit sa makintab na keychain.
Tahimik na inabangan ni Andres ang mga susunod na sasabihin ni Mr. Chua.
"Guess who's being promoted?" bulalas ni Mr. Chua; mas lalong naningkit ang singkit nitong mata sa tuwa. Muling nito kinalampag ang susi.
Hindi naman sigurado si Andres kung ano talaga ang gustong ipahiwatig ni Mr. Chua. Busy siya sa mga sandaling iyon sa pagse-set up ng kanyang workstation. Magalang siyang humarap sa supervisor.
"Congratulations, Sir," pormal na bati ni Andres, suot ng isang pormal na ngiti.
Bigla na lamang umusbong ng isang masaganang halakhak galing kay Mr. Chua. Muling nagtaka si Andres kung ano'ng mga bagong pakana ni Mr. Chua. Buti na lang at wala pa masyadong tao sa opisina at maaga pa. Lagi namang punctual si Andres.
"Mr. Chua,"ang maingat na pagmamasakali ni Andres; kapagdaka'y naintindihan niya ang lahat. "Ang tinutukoy niyo po ba ay... ako?"
Ibayong lumapad ang ngiti ni Mr. Chua.
"Simon, my dear Simon," banayad nitong pahayag, tila huni ng isang kuntentong pusa. Para ba namang lumamig ang buong kapaligiran, pagtataka ni Andres. Sino ba'ng may hawak sa airconditioning controls at biglang bumaba ang temperatura?
"You silly man," mapagpalayaw na wika ni Mr. Chua. "Siempre ikaw nga ang tinutukoy ko!"
"Ah," ang tipid na reaksyon ni Andres. Ano ba ang dapat niyang itugon, o dapat maramdaman? Patuloy ang kanyang pag-ngiti. Masayadong napabilis ata ang promosyon niya—
Walang padalos-dalos na umakbay si Mr. Chua sa kanya. Masyado atang mahigpit na may halong gigil ang hawak nito sa balikat ni Andres. "Your supervisor training starts this afternoon, Mr. de Castro. And—" muling kinalampag nito ang dalang susi, "you know have the luxury of owning a company car!"
"A company car—?" mahinang ulit ni Andres sa sinabi ni Mr. Chua.
"Huwag masyadong pa-modest, Simon!" pagbiro ni Mr. Chua, sabay pag-alog sa balikat ni Andres. "It took me two years to gain that luxury when I first started." Nagsimula silang humakbang palayo sa work cubicle ni Andres. "While you, my good Mr. de Castro... took less than two months!"
Iyon nga ang nasa isip ni Andres, at sa halip na siya'y matuwa ay nakadama siya ng pagdududa. Masyado ngang napakabilis ang kanyang pagsulong sa kumpanya, datapuwa't sa kaalaman niya'y higit na mas matagal na panahon ang kailangan upang magkaroon ng tenancy sa trabaho; ano pa kaya ang isang napakasaganang promosiyon?
Nangapa si Andres sa kung ano ang dapat niyang itugon. "It is very kind of you, Mr. Chua—"
"Awwww." Pumalatak si Mr. Chua at mariing tinapik ang likod ni Andres. "I've heard that from you before, Simon! 'Wag mo na kasi itong tanggihan! Once again, you deserve it. Isa kang katangi-tanging lahi sa workforce. Marami na akong napunang credentials sa 'yo, and you have indeed earned them! It came with no surprise when the upper management agreed to my recommendations. You have every right to this promotion."
Tama nga ang haka-haka ni Andres. Ang buong may pakana sa lahat na ito ay si Mr. Chua, at wala nang iba. Ibinida siya nito sa mga company officers. Bakit masyadong abala ang superbisor niya sa kanyang pag-uunlad?
BINABASA MO ANG
Heroes Gone Haywire! [HGH Book 1] [Completed]
Ficción histórica[[Wattpad Featured Story, "Fantasy"]] Mysterious forces send four young men into the future: sila'y sina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Macario Sakay, and Aurelio Tolentino. Sa taong 1894 ay mga ganap silang Katipunero, ngunit mag-iiba ba ang da...