***
Kabanata 36: The Eighteenth Rose***
"HA?" bulalas ni Macario. "Senyor Andres—nagbitiw ka na pala sa tungkulin mo sa Albatross? Teka lang... hindi ko alam!" He dramatically posed. "Hindi ako na-inform!!"
"Kapatid," mahinahong wika ni Andres na nasa kabisera ng mesa. As usual, it's meeting time sa dining room, at may meriendang nakahain sa gitna ng dining table: ensaymada at kape. "Nagpadala ako ng... ah, text message sa 'yo. Hindi mo ba natanggap? Noong isang araw ko pa ipinadala! Wala ka bang nakuha sa akin na mensahe?"
Napatigil si Macario. Kumurap-kurap.
"Ah, kasi, eh..."
Tumunghay sina Aurelio at Emilio sa kanilang pag-inom ng kape.
Inangat ni Andres ang isang kilay at hinintay ang susunod na sasabihin ng nakapuyod na binata.
"Kasi... Senyores... ah, naiwala ko po ang aking cell phone."
"ANO?" parehong reaksyon nina Aurelio at Emilio.
"Naku po," pahayag ni Emilio nanlaki ang mata. "Mahal po man din ang bili ko sa smartphone na iyon. Lampas beinte mil! Napakaganda pa naman ng features..."
Yumuko si Macario na nakadama ng hiya. "Eh—binayaran ko naman sa 'yo, kapatid na Ilyong. Paumanhin, pero... mas mainam na iniwala ko ang telepono. Tila unti-unti ko na pinuputol ang ugnayan ko sa panahon na ito."
"Senyor Karyo," maingat na wika ni Emilio, "mawalang galang po, pero... tinawagan ko po ang smartphone niyo kagabi. Kailan niyo po naiwala?"
"Ah," ani Macario, "ilang araw na ang nakaraan, Ilyong. Hindi ko na nga maalala..."
"Hmmmm," bulong ng binatilyo. "Dapat sa haba ng oras na 'yon, mawalan na ng baterya ang telepono."
"Bunso," pag-usisa ni Aurelio. "Ano'ng ibig mong sabihin? Marahil matibay lang ang bateryang 'yan."
"Siyam na oras lamang ang battery life ng phone na 'yan sa isang araw," pahiwatig ni Emilio. "Pero noong tinawagan ko, ay tumutunog pa! Mukhang may nakapulot at kinarga."
"Ngunit," wala sa isip na anas ni Macario. "Imposible! Naiwala ko sa may Ilog Pasig... hindi ba't nasisira ang smartphone kapag binasa? Hindi lang ito nabasa... napunuan nang husto ng tubig! Nalunod!"
"Hay Dios ko po, Senyor Karyo." Pailing-iling si Aurelio. "Hindi ka man nag-ingat. Ilog Pasig sa lahat na lugar."
"Marahil," pagsang-ayon ni Macario kay Emilio, "Marahil matibay lang nga ang telepono na iyon. Mas matibay pa sa aking loob."
Nagpalit ng tingin sina Aurelio, Emilio, at Andres.
"Hindi na natin 'yan mabawi, Senyor Karyo. Hindi naman natin maaring dalhin ang mga makabong aparato sa nakaraan. Mainam na nga at mawala na rin 'yon," puna ni Andres.
"Hay," buntonghininga ni Macario. May idinukot sa bulsa ng pantalon.
Ang anting-anting.
"Nakasalalay ang lahat sa maliit na punyeterong agimat na ito," paggunita ni Macario. "Sana maging maigi ang lahat. Alam ko nakasalalay rin sa akin ang proseso. Isang linggo na lamang bago ang ritwales. Naku... mapagmalan akong mangkukulam!"
"Ito naman," komento ni Aurelio. "Matagal ka na pong nahuhumaling sa agimat, at ngayon mo lang natanto na tila mangkukulam ang isip sa 'yo ng tao?"
"Bahala na," pagmaktol ng binata. "Dasal at himala na lang ang katapat."
"Siyanga pala, Ilyong," palipat-paksa ni Andres sa binatilyong nagnanamnam ng ensaymada.
"Ahnoo pohhh?" wika nito na tumigil sa pagnguya habang bahagyang puno ang bibig ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Heroes Gone Haywire! [HGH Book 1] [Completed]
Narrativa Storica[[Wattpad Featured Story, "Fantasy"]] Mysterious forces send four young men into the future: sila'y sina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Macario Sakay, and Aurelio Tolentino. Sa taong 1894 ay mga ganap silang Katipunero, ngunit mag-iiba ba ang da...