A/N: After more than a month: UPDATE! :D Magbunyi~
***
Kabanata 40: Sa Muling Pagkikita
***"Oh, eto pa, Ilyong! Baka kasya rin ito sa 'yo!" alok ni Macario sa binatilyong tila wala sa isip. Ilang segundo ang lumipas bago ito'y bumaling sa kaibigan na may iniangat na polo shirt sa harap niya. "H-ha?"
"Eto pa!" pag-alok din ni Aurelio sa may bitbit na sapatos. "Aba'y malinis ito, ah! Tagubilin ni Senyor Andres ay ibabad ko raw ang mga ito sa... ano nga 'yan? Lysol? Hmph, parang kasi may alipunga ako! Maingat ako sa katawan!" Maktol ng nakasalaming ginoo.
Tahimik na tinitigan lang sila ng binatang si Emilio.
"S-salamat, mga kapatid," ang mapanglaw na bulong nito sa kanila. "Kakailanganin ko nga po ang mga segundo-mano niyong mga gamit kung sakaling mananatili na ako sa panahong ito na panghabambuhay..."
"'Sus," pilit-siglang wika ni Macario. "Ano ba'ng mga gunitang 'yon, kapatid? Maasahan mo... hahanap at hahanap tayo ng paraan upang makakabalik ka rin sa may atin. Hindi tayo susuko. Ako, si Senyor Aurelio, a lalong-lalo na si Senyor Andres. Kailangan ka namin, Ilyong. Ika nga, magiging mahalaga ang papel mo—ang papel natin—sa kasaysayan!"
"Tama," pagsang-ayon ni Aurelio. "Ngayon, paano matutupad ang lahat na iyon kung maglalaho ka sa eksena ng Katipunan? Isang malagim na trahedya—isang malaking kawalan!" Dramatikong kumumpas ang ginoo.
Nagbuntong-hininga ang binatilyo. "Senyores, alam niyo naman na pinagkakatiwalaan ko po kayo. Maghihintay ako sa gaanong katagal na panahon! Gagawa at hahanap din ako ng paraan upang makabalik. Ako rin ang salarin kung bakit hindi na ako makasama sa inyo."
"Ilyong," isang mahinahon ngunit malumbay na boses ang bumungad sa pintuan ng kuwartong noong pinaghatian nina Emilio at Andres. Bumaling ang lahat sa direksyon ng boses. Sa kabila ng tono ng boses ni Andres ay tuwid ang ekpresyon nito. "Huwag mong sisihin ang sarili. Hindi ba't ilang beses ko nang ipinayo iyan sa 'yo? Makakapiling mo rin kami, dahil totoong hindi tayo nabibilang sa panahon na ito."
"Hindi nabibilang," dagdag ni Emilio sa mga kataga ng kaibigan, "ngunit kahit papaano ay may ginampang papel... at gaganampang papel." Bumagsak ang tingin ng binatilyo sa kanyang namimilipit na daliri.
Nagpalit ng tingin ang tatlong ginoo.
Inilapat ni Macario ang kamay sa balikat ni Emilio.
"Tahan na, bunso," tahimik na wika nito. "Alam ko magiging maligaya ka na rin dahil... dahil wala ka nang kaagaw sa binili nating kompyuter isang buwan na ang nakalipas..."Ipinitik ni Aurelio si Senyor Sakay sa batok. "Kay lalim na rason!" sarkastikong komento nito. "Siguradong magpapasalamat si Senyor Jacinto sa 'yo ng lubos!"
"Hindi ka man mabiro, Senyor Aurelio!" pagmaktol ng binatang nakasuyod ang buhok habang hinahagod ang kumikirot na batok. "Eh... sa totoo ay mukhang luluha na po ang ating bunso! Maiiwan natin siya! Kung ako'y si Ilyong, hindi ko matitiis ang lahat na ito!"
"Totoo, Senyor," ani Emilio. "Napakabigat sa loob.""Ilyong, alam ko'y alam mo ito, pero... kailangan ka rin naman ng mga kaibigan mo rito..." simula ni Aurelio.
"AT ANG IYONG KASINTAHAN!" Lumago ang ngiti ni Macario na nagpikit ng mata, tila napapaligiran ng mga paru-paro (uuhhh...). "Mapalad ka, bunso! Makakapiling mo si Erin, at sina... basta sino nga'ng matangkad na binatang lagi mo rin kasama...? Hindi bale—! Makakapiling mo pa sila ng mas mahabang panahon. Hindi natin alam, ngunit kung tatanungin mo ako, isa itong kung tatawagin ay "blessing in the skies!""
BINABASA MO ANG
Heroes Gone Haywire! [HGH Book 1] [Completed]
Historical Fiction[[Wattpad Featured Story, "Fantasy"]] Mysterious forces send four young men into the future: sila'y sina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Macario Sakay, and Aurelio Tolentino. Sa taong 1894 ay mga ganap silang Katipunero, ngunit mag-iiba ba ang da...