Kabanata 29: May Isang Gunita

829 41 24
                                    

***

Kabanata 29: May Isang Gunita

***


Tiniis ni Emilio na magtanghalian nang mag-isa. Sa loob-looban niya'y hindi pa niya kayang harapin sina Erin at JR. At isa pa, puyat siya; nakaidlip lamang ng ilang minuto, pero hindi mapakali ang isip. Hindi rin siya makatulog buhat sa mas lalo siyang nalilito sa mga pangyayari. Hindi talaga maigi ang lahat.

Isang buwan na lang bago mag-Oktubre. Kasali pa ba siya sa debut ni Erin? Pang-labinwalong rosas pa rin siya? Gugustuhin pa ba ni Erin na mamalagi siya sa buhay nito—na marahil isa na nga siyang nawawala sa sarili at sa tamang isip?

Babangon sana si Emilio nang may lumapag na lamay sa kaniyang balikat.

"Bro..."

Bumaling si Emilio sa pamilyar na boses.

"JR?"

Minasdan ng binatilyo ang mukha ng kaibigan. Sa pagtaka niya't kaginhawaan ay tila walang bakas sa mga mata nito na ito'y tinutukoy siyang baliw.

"Hey—parating na rin si Erin."

Biglang bumilis ang pintig ng puso ni Emilio.

"I'm here," sabay wika ng boses na kinagigiliwan ni Emilio.

Bago man maka-react si Emilio ay umupo na si Erin sa tabi niya. Maliban sa pag-apaw ng emosyon sa katauhan ng binata ay napuno rin siya ng kahabagan. Nakatanaw siya sa halatang puyat rin na mukha ni Erin. Pero siempre, napakaganda pa rin ito. Wala masyadong kolorete: naka... ano'ng tawag doon? Lipstick. Naka lipstick lamang at may konting kulay sa kilay para bumagay sa brown na buhok nito.

Hindi agad nakakibo si Emilio. Napakadalang na bumuhol-buhol ang kaniyang isipan, at hindi niya ito kaayon.

Umupo na rin si JR sa tapat niya.

"Erin and I talked it over," marahang simula ni JR na parang nag-iingat sa pagbitaw nito ng salita.

Sa wakas ay nahanap din ni Emilio ang kaniyang boses. "Nasabi ko na noon, JR," aniya. "Hindi ko kayo masisi kung hindi niyo na akong nais manatili sa buhay ninyo..."

Sabay nag-iba ang ekpresyon sa mukha ni JR na parang nasaktan, ngunit ito'y naglaho agad.

"Dude, ano ba?" bulalas ng Italyano. "Masyado naman ang negative thinking mo..."

Mas lalong natuliro si Emilio. Ano ang hantungan ng pag-uusap na ito? "Paumanhin," mahina niyang sabi.

Si Erin ang nagpatuloy. Namalayan lamang ni Emilio na hinawakan ni Erin ang magkabila niyang kamay—at nagtama sa walas ang kanilang tingin.

"Sa panahon ngayon, alam mo, anything is possible," ani Erin. Banayad na tinig—tila musika sa pandinig ni Emilio.

"Tama ka," pagsang-ayon naman niya, ilang segundong makalipas. "Lahat na ano'ng pwedeng mangyari ay maaring mangyari. Sa katunayan ay hindi ko rin inasahan na balang araw ay ipagtatapat ko sa inyo ang lahat. Nadali ako. Kahit man ako'y hindi makakapaniwala sa mga pinagdaanan ko."

"EJ, please believe us," unti-unting pahiwatig ng dalaga, "when we say that we believe you."

Napatigil si Emilio. Naramdaman niya ang pagpisil ni Erin sa kaniyang mga kamay.

"You know what they say, bro," komento ni JR sa isang matter-of-fact tone. "Never underestimate women's instincts."

"Sinasabi ninyo sa akin na... kahit masyadong pambihira at mahiwaga ang inilahad ko sa inyo kahapon ay hindi ninyo ako tinuturing na sira-ulo?" tahasang tanong ng binata.

Heroes Gone Haywire! [HGH Book 1] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon