Chapter 17: Third Degree Burns

1.5K 60 12
                                    

A/N: Warning:  Strong language. ^_^;;

 ***

Chapter 17: Third Degree Burns

 ***

So what's there to do after one finds out that he's stuck in a world and time he doesn't belong in?

There was little sense in crying over spilled milk. Tila sila'y itinadhana na manatili sa modernong mundo, at sa puntong 'yon ay wala pa rin silang kaalam-alam kung anong pwersang humagilap sa kanila. Inisip din ni Macario na ihagis nalang ang walang kwenta't kahayupang anting-anting sa kalaliman ng Pasig River, ngunit sa huli ay pinigil din niya ang sarili. May pag-asa pa man o wala, ito'y gawin lamang remembrance. May bahid pa rin ito ng makalumang Filipinas. Ito na ang kaisa-isang alaala sa kanyang tunay na pinanggalingan.

At sa oras na iyon ay bahagyang pinawi nila ang Katipunan sa kanilang mga ulirat.

Lunch time at kumakain nang mag-isa si Andres sa pantry ng kanilang floor. Upang sandaling mapawi ang kanyang nararamdamang kahungkagan ay dinala niya ang isang World History book ni Emilio at masigasig niya itong binasa, kahit ito'y nasa Ingles. Nasa Volume III na siya, at sinadyang iniwasan niya ang "Asian History" kung saan siguradong nandoon ang kasaysayan ng Filipinas.

Napaisip si Andres sa isang recent na conversation with a very apt Mr. Chua. Alam niya na nagbabasa si Andres during his free time, at ang karamihan sa libro ay pag-aari ni Emilio dahil requirement ang mga ito sa school. Isang araw ay medyo na nosebleed si Andres sa kanyang pagsikap na intindihin ang mga gawa ni Jean-Paul Sartre, isang tanyang na philosopher, at napadaan si Mr. Chua sa cubicle niya.

"Ah," ang tuwang saad ni Mr. Chua. "Your kid brother's book? Isn't he a philosophy major?"

Andres, a bit startled, placed the book down and nodded. "Yes to both questions, Mr. Chua. My brother's a very good student. Pre-law."

"Top of his class?"

"I believe so."

Tumango si Mr. Chua at inusisa niya ang titulo ng librong binabasa ni Andres. "Looks very interesting, Simon. Nagkaroon ako ng AB Philosophy friends noong college even when I was a Business Management major. Very insightful, all of them. Nakakasabaw din minsan." He smiled his gracefully oily smile. "Ang tame pa ni Sartre. Wait until your brother reads Nietzsche. I tell you, Simon; it's all fun and games until they read Nietzsche." With a playful wave of his hand, Mr. Chua departed from Andres' cubicle along with a hearty chuckle.

Nagkaroon ng alinlangan si Andres. For the past couple of days since the failed attempt of returning back to 1894, Emilio had been putting on an unreadable façade. Halos walang kibo ang binata at tila ipinako ang kanyang atensyon sa kanyang pag-aaral. Until one day, Andres came across something which cracked his calm a little. Nakabuklat ang mga school papers na tinatapos ni Emilio para sa term na 'yon; wala ang binata at sumama siya kay Macario upang pumili't bumili raw ng isang "personal computer" na maari nilang gamitin sa apartment. It seemed like a rather off-handed decision but Emilio was keen about it.

Andres wasn't one to poke around and police his friends na para isang Guardia Civil. That's the last thing anyone in the household needed, but Andres, as always, had everyone's welfare in mind. Siya'y lumapit sa writing desk ni Emilio at nabasa niya, sa sulat-kamay ng binata, ang mga salitang ito:

 "GOD IS DEAD. GOD REMAINS DEAD. AND WE HAVE KILLED HIM."

-Friedrich Nietzsche


Nagkunot-noo si Andres. Naka-capitalize pa ang kahalatan ng quotation! Mukhang may pinagdadaanan si Emilio at sa ngayon, habang walang ipinatatapat si Emilio sa kanya ay wala siyang magawa kundi hayaan muna ang binata. Ngunit siya'y aburido na nanganganib ang panata ng kanyang kaibigang itinuturing na niyang tunay na nakababatang kapatid.

Heroes Gone Haywire! [HGH Book 1] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon