Kabanata 41: Sa Katapusan Ng Oktubre

680 47 16
                                    




A/N: I swear, malapit na matapos 'to. Book 1, friends. Hehe. Konting push na lang! Habang may time pa ako. :D

***

Kabanata 41: Sa Katapusan Ng Oktubre

***

"Naku, they left you na talaga, iho?" manghang pahayag ni Mrs. Bumanlag kay Emilio habang iniabot ng binatilyo ang susi ng apartment. "Nakakalungkot naman. Nagpaiwan ka sa Pilipinas dahil sa studies mo, kamo? Eh, susuportahan ka naman ng kuya mo habang nasa abroad siya?"

Naghandog ng munting ngiti si Emilio sa butihing (sometimes masungit) na landlady nila. "Opo naman." Masasanay rin ako na magsinungaling, isip ni Emilio. Kahit sa halos isang taon ko rito ay buong pagkatao ko'y ikinubli sa madla. "Pagkatapos ng schoolyear po na ito, ay magiging Senior na po ako at ga-graduate. Sayang naman po kung maudlot ito."

"Sa bagay," pagsang-ayon ni Mrs. Bumanlag. "It's not easy with the tuition fees, ano, iho? Especially kung every year ay tumataas 'yon. Although maganda rin mag-aral sa abroad! Anyway, desisyon mo 'yon. Desisyon mo rin na hintuin ang pang-uupa sa apartment." Malamlam ang tinig ng ginang. "Sayang din. You're some of my best renters. Kita, ang linis ng apartment! Kahit before, bago mag-empake ang iba mong kasama, EJ. Walang sira. Sana gano'n din ang next kong mang-upa. Hays! Eh saan ka naman tutuloy?"

"Sa amin po!"

Biglang sulpot ni JR.

"My God, nakakagulat ka naman, batang 'to!" singhal ng ginang.

Emilio heaved an embarrassed sigh. "Nakakahiya naman sa inyo, JR..."

"NO PROBLEMO, bro!" ngiting malapad ng Italyanong binata. Bumaling ito kay Mrs. Bumanlag. "Don't worry, ma'am. 'Di sa nagmamayabang po, but our house is just too big for my mom, my little brother, and me. May ilang kuwartong kami na hindi nagagamit. Pwedeng-pwede naman si EJ du'n, and no offense po, wala pang upa. He's like my brothah from a different mothah!" Sabay ang isang mariin na pagtapik sa likod ni Emilio.

Emilio winced. "Napuwersahan lang po ako," wika niyang half-jokingly.

"What!" ani JR.

Ginantihan ito ng tawa ni Mrs. Bumanlag. "Hay, mga bata nowadays. Basta you boys stay out of trouble. Andaming bad news ngayon! Mga frat, kung anu-ano!"

Lihim na nagpalit ng tingin sina Emilio at JR.

"Opo," na tila pikit-matang tugon ng dalawang binata.

"O siya," simulang pagpaalam ng ginang. "I'll leave you two na maghakot ng gamit palabas. Tawagan mo na lang ako pag tapos na kayo. Huwag kalimutan i-off ang general power switch! Na-defrost na ba ninyo ang ref? Sige sige. I'll go ahead na!"

Tuluyan na sumakay ang ginang sa kotseng pinagmaneho ng pamangkin nito.

Nang naiwan ang dalawa, pumasok si JR sa kuwarto noon nina Macario at Aurelio, at lumabas na may dalang malaki at punong-puno na kahon.

"JR, ako na lang ang hahakot. Maghintay ka na lang sa labas..." simula ni Emilio.

JR scoffed. "Dude, I came here to help, ayt? It's cool na may kotse ka rin, kasi... well, I don't have a car." Tumawa ito. "Andami mong minana! May kotse pa. So awesome, bro. At saka, why would I let a national hero work his bones off? He's moving into my house!"

Naramdaman ni Emilio ang pag-init ng kanyang mukha. "Isang ordinaryong tao lang ako sa panahon na ito, JR. Ipapaubaya ko muna kay Senyor Andres at ang iba pa ang pag-iimpluwensiya sa kasaysayan." His small, sad smile stayed.

JR shrugged. "Suit yourself, man!" Lumakad itong palabas, dala ng kahon upang i-load ang trunk ng Toyota na ngayon ay nasa pagmamay-ari ni Emilio.

Heroes Gone Haywire! [HGH Book 1] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon