Epilogo: Ilog Pasig

1K 46 12
                                    


A/N: And here it is, friends... we have finally reached the end of "Heroes Gone Haywire" Book 1! Thanks for joining me in this (beri looonnnggggg) ride! :)


***

Epilogo: Ilog Pasig

***


Sa mahabang panahon na nakilala ni Macario ang kaibigan niyang si Andres ay ngayon lamang ito nagpamalas ng napakasidhing pagkabalisa. Pirming nagpatawag si Andres ng isang pulong sa lalong madaling panahon.

"Tungkol ba ito sa—" lumunok si Aurelio habang sila'y kapuwang nagtungo sa bahay ni Andres,"—nagbabantang... rebolusyon?"

Iniwaksi ni Macario ang ideyang iyon. "Biglaan naman ata!"

"Hindi pa natin alam ang galaw at hakbang ng mga awtoridad!" mahinang wika ni Aurelio. "Napakasamang balita kung totoo man na tama ang aking hinala..."

"Baka tungkol naman 'to sa Teatro? O di kaya'y—" dagling sinunggaban ni Macario ang braso ni Aurelio, animo'y may nanaog sa kanya ng isang epipanya. Nagitla ang nakasalaming binata na bahagyang nadulas ang salamin nito sa dulo ng ilong.

"Anak ng tikbalang naman, Macario! Hinay-hinay! Kinasusuklaman ko ang mga pabigla mong mga kilos!" pagsaway ni Aurelio.

"Marahil," ang madamdaming wika ni Macario, "marahil may nakuha siyang bagong balita tungkol kay Ilyong!"

"Aba'y kung ganoon nga, napakainam!" bulalas ni Aurelio.

Subalit sa pagtuntong nila sa tahanan ng mga Bonifacio ay sinalubungan sila ni Nonay—si Espiridiona, ang nakababatang kapatid ni Andres—na lukot ang marikit nitong mukhang hitik sa pag-aalala.

Umalsa ang nangingibabaw na kutob ni Macario.

"Senyorita Nonay," unang bati ni Aurelio nang hindi makaimik si Macario. Banayad ang tinig ng mas nakatatandang binata sa dahilang hindi mas lalong maligalig ang dalagita. "Narito ka rin pala! Ano naman—"

"Halika po, tuloy kayo," pagputol ni Nonay na nag-uudyok ng madaliang pagpasok.

"Birheng Maria," usal ni Aurelio sa nakita nilang tanawin.

Nakayuko si Andres sa kabisera ng hapag-kainan na miserableng-miserable ang ekpresyon. Sa tabi niya ay si Ciriaco, isa sa mga nakababatang kapatid na lalaki ni Andres. Mabigat ang atmospera. Nakakapaniil.

"Senyor, ano'ng nangyayari?" kabadong tanong ni Macario sa kaibigan.

Hindi kumibo ang naturang ginoo na tila wala sa loob na nakatuon lang ang pansin sa ibabaw ng mesa.

Si Nonay ang sumagot.

"Mang Karyo," halos na pabulong na wika ng dalagita. "Nawawala si Ate Oriang."

"H-HA?" impit na hiyaw ni Aurelio. Namulagat si Macario sa rebelasyon.

"Hanggang kailan pa?" tanong uli ni Macario.

"Tatlong gabi na ang nakaraan..."

"Wala ba siya sa kaniyang mga magulang?"

"Hindi. Wala sa kapatid, wala sa mga pinsan o kung sino mang kamag-anak na sa alam namin," paluhang patuloy ni Nonay.

Nakamaang si Aurelio na waring hindi makakapaniwala sa takbo ng mga pangyayari. Sinikuan ni Macario ang kaibigan.

"Senyor!" anas Macario.

Bumalik si Aurelio sa sarili. "Senyor!" balik-tawag naman nito.

Nagpalitan ng tingin ang dalawa.

Heroes Gone Haywire! [HGH Book 1] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon