Kabanata 15: Nice Girl, Naughty Girl

2.2K 75 44
                                    

Warning: Some mild adult content in this chapter. :P

Kabanata 15: Nice Girl, Naughty Girl

***

Ano nga ba itong mga makabagong konsepto na kung tawagin ay "date?"

Lubos ang naramdamang pag-i-i-skandalo ni Emilio nang malaman niyang makikipagkita siya sa isang dilag na walang kasamang chaperone, at dagdagan pa nito na ang buhok ng nasabing dilag ay sinadyang ginulo at nakalugay sa hubad nitong mga balikat.

Buong-alam ni Erin Jade na hapit ang suot nitong damit. Kung may pagka-modest man ang dalaga ay wala itong ipinakita. Salamat na lang at naka-full blast ang air conditioning ng restaurant, kaya naisipan rin itong balutan ang sarili gamit ng isang silk shawl. Sa wakas ay nakahinga nang maluwag si Emilio. Sumagi sa kanyang isipan na alukin kay Erin ang kanyang jacket para protektahan ito laban sa mga judgmental stares ng mga tao (lalo na ng mga manang) sa paligid.

Naisipan din ng binata na dalhin sana ang Toyota ni Andres upang sunduin si Erin sa tahanan nito, dahil mahusay na siya sa kanyang pagmamaneho (salamat sa panginoon), ngunit ipinaalam ni Erin sa kanya na may dala itong sariling kotse--na pagmamay-ari ng kanyang ama. Ani Erin, hindi naman mamalayan ng kanyang mga magulang na pinasyal niya ang kotse. 


In the meantime, todo-effort si Emilio upang hanapin ang restaurant na iminungkahi ng dalaga, ang La Bella Cofano. Medyo naligaw nang konti, pero na-manage ni Emilio gamit ng paglakad at sa tulong ni manong de-padyak aka pedicab. Nadungisan tuloy ang kanyang jacket. Gusto sana ni Emilio na prisintahin ang sarili kay Erin na walang bahid o gusot sa kanyang kasuotan.

On the other hand, si Erin naman ay... medyo nagwalang-bahala sa kanyang sarili. Tila may lason ang alindog nito. Ihambing natin siya sa isang vixen.

Sinubukan ni Erin na ipakain kay Emilio ang isang salad crouton gamit ng seductive-subo style. Hindi naman makatanggi si Emilio; masyado atang gentleman?

At dahil hindi pamilyar ang mga pagkain nang sumilip si Emilio sa menu card, hinayaan niyang si Erin ang mag-order para sa kanilang dalawa. Kasama na rito ang pag-o-order ng alcoholic beverage na kapangalan ng isang babae. Margarita, naalala ni Emilio. Ngunit para lang kay Erin ang inuming iyon.

"Eat your salad like a good boy," udyok ng dalaga, suot ang isang ngiting nag-e-emphasize sa kanyang full na labi. Ito ang isa sa mga pinakamagandang asset ni Erin.

"Salamat sa iyong mabuting-loob, ngunit hindi bale na lang," sagot ni Emilio na sa wakas ay nagawa niyang tumanggi sa seductive-subo moves ng dalaga.

Sumimangot ang dalaga, this time, gamit ang kanyang full-lip pout. "You're no fun," pagmaktol nito, at sa isang iglap ay isinubo niya sa sariling bibig ang salad crouton habang ipinako ang tingin sa mga mata ni Emilio.

"Ah, tingnan mo naman, may tubig!" bulalas ng binata, sabay dampot sa water glass at uminom na tila natuklasan niya ang tubig for the very first time sa buong buhay niya.

Inikot ni Erin ang kanyang mga mata. Mukhang nababagot ito--hindi tumatalab ang kanyang pakikipag-little games kay Emilio.

"You can at least tell me something about yourself, EJ," simula ni Erin habang sinisimsim nito ang margarita. Bahagyang namumula ang mga pisngi ni Erin--senyales na tumatalab na ang inumin sa sistema ng dalaga. Halfway done pa lang sila sa kanilang pasta at ravioli (noon lamang nalaman ni Emilio ang mga pangalan ng handa), ngunit ito na't nilulubos ni Erin ang pagkakataong nakalusot siya sa pag-iinom. Note: Wala pang eighteen years old si Erin. O dios ko.

"Hindi mo ata type ang Italian food," puna ni Erin dahil paunti-unti lamang ang kain ni Emilio sa handa.

Sinbukan uli mag-Ingles ang binata. "No, it's very good," tugon niya na medyo pilit--hindi pa siya sanay sa ganitong klaseng pagkain kahit naka-fastfood at junkfood na siya.

Heroes Gone Haywire! [HGH Book 1] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon