Chapter 19: Life's a Stage and Love's a Villain

1.7K 64 7
                                    

Chapter 19: Life's a Stage and Love's a Villain

 ***

Full production ang mga makabagong dula! Iyan ang nabatid ni Aurelio sa pagiging adviser sa Drama Guild ng St. Genevieve. Props, costumes, musical score, at may takdang lights and sound effects pang marangya! Lahat ng ito'y dinala at pinagsama-sama sa school auditorium. Sa mga panahong iyon, mukhang si Aurelio nga ang malimit na ina-adviser-an, sa halip na siya ang magbibigay ng mga tips at payo sa kanyang mga ginagabayang mag-aaral.

"Sir G, the script's ready na po!" ang masugid na pagbubunyag ng isa niyang "alaga" na nangangalang Steven Glaros. Isa siya sa mga sophomore students na kasapi rin ng Journalism Club at mahilig magsulat; sa gayo'y siya rin ang isa sa mga writer ng kanilang inihahandang school production which would be performed on University Week, exactly a week away.

"Ah, ganoon ba, Mr. Glaros?" ang pormal na tugon ni Aurelio sa binata. After all those days mingling with his classes, hindi pa rin siya nasasanay sa nickname na mawilihing ibinigay sa kanya ng kanyang mga estudyante. Gene William Valenzuela nga pala ang kanyang alter-ego, kung kaya't siya'y binansagang Sir G. Oh hah. Hip na hip.

Maaliwalas ang mukha ni Steven noong siya'y bumaling sa dalagitang katabi ni Aurelio tilang nakahanda na kung sakali'y may ipauutos sa kanya ang kanilang club adviser. "Michelle, kitams," panimula ni Steven. "I gave you the coolest lines. Siempre, the best for the bida!"

"Oo na, Steven," ang walang-anumang sagot ni Michelle. "Thank you na. Eh diba di lang 'kaw yun writer? Sina Emily't Laika pa?"

Steven tried to be modest about it, ngunit sa huli'y may nahalong kayabangan din. Perhaps, it was natural. "Ako ang head writer," ang tugon niyang nakangisi.

Napakurap lang si Aurelio. Masyado pang maaga upang maging tiyak, ngunit mayroon na siyang napapalagay sa pakitang-gilas na turing ni Steven kay Michelle. However, Michelle seemed oblivious. Ang tanging pinag-aabalahan ng dalaga ay ang kanyang tungkulin bilang isa sa mga founder ng Drama Guild, which means being under Aurelio's constant guidance... and constant companionship, if time allowed.

Tumikhim si Aurelio't inatasan si Michelle. "Ms. Lorenzo, go ahead, isaulo mo na ang mga natitira mong linya." He called for Steven's attention as well. "Mr. Glaros, lagyan mo ng palantandaan ang mga linya ni Michelle. I will oversee how backstage is doing, ha? At ako'y babalik..."

"Sir G," ang madaliang tawag ni Michelle.

"Oy, Mich, 'wag mo nang gambalain si Sir G," patuwang giit ni Steven. "Practice na daw! Let's go."

"Quiet ka nga, Steven! Ikaw ba'y drama expert?"

"Manunulat, oo!"

"Eh acting?"

Steven hesitated for a bit. "Marunong ka naman mag-act, Mich! Kahit medyo challenging 'yun role mo..."

"Weh, ngayon lang tayo nagkaron ng panahon para mag-practice." Dumaplis nang sandali si Michelle sa script at siya'y nagkunot-noo. "Ano ba 'yan, Steven? May pagka-maudlin ang mga accompanying actions sa lines mo. May 'wails with immense distress' ka pang nalalaman! Baka magmumukha akong exagge sa stage! I'm mourning the death of my brother, at hindi nanganganak!"

"Eh..." ang pagalinlangang ungol ng binata. Finally, the boy relented. He motioned a hand at Aurelio. "Oh ayan, si Sir G. Siya nalang yun mag-g-guide sa 'yo sa tamang timpla ng mga line delivery mo."

Di mapigilan ni Aureliong ngumiti nang bahagya. Ah, ang kabataan nga naman, at ang mumunting kudlit at kislap ng kahalingan. He certainly wasn't ignorant to the fact that Michelle was infatuated with him, kung kaya't pinag-iingatan niya ang kanyang pakikipag-ugnayan sa dalaga. However, he wasn't blind to the fact na may pagtingin din ang iba sa mga matipunong binata ng sophomore batch kay Michelle. Matalino si Michelle. May malaking potential. Maamo ang mukhang mistulang manika. Mahinhin siya't may pagkapilya rin, depende kung sinong kaharap niya. Nguni't ito ang tanging alam ni Aurelio sa kanyang star student: siya'y may busilak na kalooban.

Heroes Gone Haywire! [HGH Book 1] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon