The Notebook

366 7 2
                                    

Savvy's POV

"Ok! Class dismissed! Don't forget to bring the assigned materials to you on monday!" sigaw ng teacher ko bago lumabas ng classroom.

"Gurla." tawag sakin ni Leia, ang bestfriend kong matangkad katulad ko. Mehihihi.

"Ow?" sabi ko habang nag-aayos ng gamit.

"Daan tayo National Bookstore." tumango naman ako at sinuot ang backback ko. 

"Tara." sabi ko sabay suot ng bag ko.

- - -

(@National Bookstore)

"Ako na bibili ng scraps at pang-design tas ikaw na bumili ng glue stick dun!" sabi ko kay Leia habang nakaturo dun sa kabilang side nung bookstore. Tumango naman siya at pumunta na dun.

Ano kaya magandang kulay para sa scrapbook? Hmm... Pink? Parang masyadong girly. Blue? Parang boyish. Green? Parang pambakla. Red? Parang ang init tignan sa mata. Yellow? Masyadong maliwanag. Rainbow kaya? Mehihihi. Lahat na nga lang!

Pagkatapos ko pumili ng sraps at design, nadaanan ko yung mga notebooks na nasa tabi nung scrapbooking section churva. So ayun, tumingin tingin ako ng notebook na pwede kong drawingan since mahilig ako magdrawing.

Nakuha nung black na notebook ang atensyon ko kaya lumapit ako dun. Pure black lang siya na walang design. Tinignan ko ang loob at blanko yun. Walang guidelines na blue or red. Pero ewan ko ba. Yun yung nakakuha sa atensyon ko. Parang ang mysterious at ang astig nung dating!

"Eto nalang bibilhin ko." sabi ko sabay kuha ng notebook. Nakita ko naman si Leia na nakapila na dun sa cashier. Lumapit naman ako sa kanya at inabot yung scraps at yung pera.

"Ano naman yan?" tanong niya habang nakaturo sa hawak ko. Ay! Bibilhin ko pa nga pala 'tong notebook! Hoho. Inabot ko naman sa counter yun. Nako, buti nalang at naipaalala niya! Baka mapagkamalan akong magnanakaw ng wala sa oras!

Inabot ko ulit yun sa counter at saka ko sinagot ang tanong niya.

"Wala, pagdodrawingan ko." 

"Ang creepy naman nung notebook na binili mo. Bakit black?" tanong ulit niya.

"Ang astig kasi. Naalala ko yung Wolf ng EXO. Hihi." sagot ko na may twinkle twinkle star sa mga mata ko. ♥

"Ay! Speaking of EXO! Tapos na yung EST... Wala na... Huhu." pag-aacting niya. Kinuha naman niya yung dalawang paper bag at inabot sakin yung isa. 

"Oo nga eh. Mamimiss ko yung kakulitan nila..." malungkot kong sabi. Eh kasi naman, pag malungkot ako, papanoorin ko lang yun, magoogoodvibes na agad ako! Yun yung naglilighten up ng mood ko pag naiinis o nalulungkot.

"Uuwi na pala ako! Walang tao sa bahay eh." pagpapaalam ko kay Leia.

"Sige, ingat sa pag-uwi!" pagkasabi nya nun, agad na akong umalis. Patawid na sana ako dun sa terminal ng mga tricycle nang may humarang saking pader─este, matangkad na tao pala.

"Liit." pang-aasar niya sakin. Tss.

"Haynako Joshua. Palibhasa, mukha kang kapre." pangbabara ko sabay lagpas sa kanya. Naramdaman ko namang sumusunod siya sakin. Pero wala akong pake.

"Atleast di mukhang dwende katulad mo. Haha." pang-aasar ulit niya. Kunwari sinusuntok ko na yung pagmumukha niya sa isip ko. Di ko lang magawa sa realidad dahil sa - ehem - height ko.

Di ko nalang siya inintindi at nagdirediretso nalang ako sa trike. Nakakainis yung Joshuang yun! Pag ako talaga tumangkad...

"Ate, san kayo?" tanong nung trike driver sakin.

"Sa Elmers po." sagot ko. Tinuro niya sakin yung isang tricycle at nagmadaling pumasok dun dahil nakita ko si Joshua sa peripheral vision ko.

- - -

(Sa Bahay Ko...)

Pumunta na agad ako sa kwarto ko at dali-daling nilabas yung mga binili ko. Sinipit ko yung scraps at designs sa scrapbook ko. Kinuha ko naman yung black notebook ko at yung ballpen na nasa study table ko.

"Ano kaya pwede idrawing?" tanong ko sa sarili ko. *Sigh* Wala akong maisip na pwedeng i-draw. Kanina, meron kaso nakalimutan koooo. =__=

Anime nalang. Teka. San ko ba nailagay yung book kung pano mag-draw ng ganun? 

Hinanap ko yun sa mini bookshelf na nasa tabi ng study table ko. Ano ba yun. Di ko makita. Nasan na ba yu─ Uy, Diary ng Panget! Astig 'to. 

Binuklat ko yun at binasa yung prologue. Matatapos ko na sana yung last sentence nung may suminding light bulb sa ulo ko.

Alam ko na gagawin ko! 

Diary ng MaliitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon