February 2, 2016
Hi Dee!
February na. Malapit na ang valentine's day kaya nagre-ready na kami sa mga booth. Katulad ng kissing booth, marriage booth. Lover's lane. Mga ganun. Parang fair. At pwedeng pumasok ang taga-ibang school as long as may id.
Nakakainis lang kasi hindi pa din nagpaparamamdam si Josh. Mukhang magiging malungkot ang Feb. 14 ko.
Pero alam mo ba si Leon, kinausap ako kanina. Kinakamusta ako. Akala ko wala siyang pake. Ang sungit nun e. Pero kinamusta niya ko at alam niya yung kay Josh. Baka sinabi ni Mix sa kanya.
Speaking of Mix, siya na nakakasama ko sa pag-uwi. Si Leia kasi, kasama na niya si Rin. Medyo nakakatampo pero okay lang. Andyan naman si Mix. Napapagkamalan na ngang kami eh. Whoo. Masyado akong matangkad para sa kanya!
Hahahahaha. I don't know, Dee. Pag hindi pa din nagparamdam si Josh sa Feb. 14, makikipagbreak na talaga ako.
Kung kaya ko.
Ang may-ari ng notebook,
Savvy

BINABASA MO ANG
Diary ng Maliit
Teen Fiction2014 © noodlerella | Ano nga ba ang nasa loob ng diary ng maliit? Kalandian, pamilya, school, teachers, kaibigan, o height? Tara na't samahan natin si Savvy sa pagiging maliit niya!~