Entry 28

33 3 2
                                    

January 1, 2016 - 12:02 am

Hi Dee!

Masaya ako kasi maraming pagkain! Hihihi. Buti pa pagkain di nang-iiwan 'no? Hahaha! Pero malungkot at naiinis pa din ako kasi new year na, di pa din nagpaparamdam si Josh. Baka naman may iba na yun kaya nagtatago? Takot na harapin ako?

Ang tangkad ko kasi. Hahaha. Ano ba -.-

Pero seryoso, new year na new year, wala siya. Actually, nag-eexpect ako na isusurprise niya ko or something pero wala talaga e. Buti pa si Mix, dinalaw ako.

Yep! Dinalaw ako ni Mix, Dee! Like omg! Hahahaha. Nangangamusta lang daw pero halos lahat ata ng handa namin, nilamon niya. Ang takaw pala nitong kamukha ni naruto. Haha joke. Nangingibabaw kasi talaga yung buhok niya na orange na akala mo cosplayer. Hindi naman daw siya cosplayer.

So ayun, kumain lang siya at nagpaalam na. Pero ang di ko talaga makalimutan na sinabi niya bago umalis; "You fell and maybe soon, he'll drop you and let you fall but don't worry li'l kid, someone will catch you."

Di ko gets kung bakit niya sinabi yun. Pero ang sakit talaga ng sinabi niya. Oo, alam kong maliit pa din ako pero bakit li'l kid? :( Ang sakit. 

Hahahahahahaha. Sige na, Dee. Tutulong pa ko sa pagligpit. Baka mabaliw na ko ng tuluyan sa kaweirduhan ni Mix.

Ang may-ari ng notebook,

Savvy

Diary ng MaliitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon