December 29, 2015
Dee.
Anong nangyari? Naiinis ako. Nung pasko okay naman kami ni Josh. The next day, pansin ko parang umiiwas siya. And I don't know why.
The next next day, ganun pa din. Parang umiiwas siya tapos kahapon, ni isang text o tawag galing sa kanya, wala. As in wala. Di man lang sya dumadalaw sa bahay. Nag-decide ako na tawagin parents niya, sabi lang sakin, nasa probinsya daw. Di din nila alam kung bakit.
Naiinis ako sa kanya. Nagagalit? Siguro. Kasi naman, di magpaparamdam ng ilang araw? Tapos di ko alam yung dahilan! Naloloka na ko, Dee.
Pero alam mo kanina, nakita ko si Leon sa mall. May kasamang babae. Ngayon ko lang siya ulit ngumiti ng ganun. They look perfect. Bagay na bagay sila. Pero naiinis ako. Ewan ko kung bakit. Siguro kasi di pa din nagpaparamdam si Josh. -_-
Paalis na ko kanina nung nakita ko si Mix na lumapit kina Leon. Aalis na dapat talaga ako pero biglang tumingin sakin si Mix at ngumiti.
And then I remembered the gift. Yung necklace na may initials. Ang lakas ng kutob ko na connected sa kanya yun. Di ko alam kung bakit. Bakit ba halos lahat ng bagay di ko alam ang dahilan?! .__.
Umuwi na ko at napag-isipan na ilabas ang saloobin ko sayo. Kahit naman alam kong wala kang magagawa, Dee. Sige na, matutulog na ko.
Sana magparamdam na si Josh. At sana malaman ko na lahat ng reasons.
Ang may-ari ng notebook,
Savvy
P.S. Nakita ko si Jape na kaklase ko, kasama si April. Mehehe. Just saying. Wala silang kinalaman dito, okay. Hehe. Lol. kbye~

BINABASA MO ANG
Diary ng Maliit
Teen Fiction2014 © noodlerella | Ano nga ba ang nasa loob ng diary ng maliit? Kalandian, pamilya, school, teachers, kaibigan, o height? Tara na't samahan natin si Savvy sa pagiging maliit niya!~