November 1, 2015 ─ 10:23 am
Dear Dee,
Ayan! Binigyan na kita ng pangalan! Di ko kasi alam kung babae ka o lalaki eh. Ayos na yan. Ang cute nga eh, :D
Sorry kung di ako nakasulat kahapon. Galing kaming EK. Grabe! Ang saya! Naloka ako sa space shuttle. Sakit sa puso! Huhu. Pero buti nalang at naka-survive ako! Pati yung sa anchors away. Akala ko malalaglag ako dun sa kabilang dulo!
Dapat susulatan kita kahapon kaso, pagod na pagod na ako nung nakauwi na kami. Sorry Dee! :**
Undas na nga pala. Teka, ligo lang ako. Mamayang gabi na kita susulatan ulit! Pag-uwi sa puntod. Bye Dee!
Ang may-ari ng notebook,
Savvy

BINABASA MO ANG
Diary ng Maliit
Teen Fiction2014 © noodlerella | Ano nga ba ang nasa loob ng diary ng maliit? Kalandian, pamilya, school, teachers, kaibigan, o height? Tara na't samahan natin si Savvy sa pagiging maliit niya!~