Entry 31

32 4 1
                                    

January 26, 2016

Dee.

Nakabalik na kami from Baguio. Medyo matagal tagal na din kitang di nasulatan. Hehe. Peace tayo, Dee.

Wala pa din akong balita kay Josh. Naghihintay pa din ako. Medyo kaya ko pa naman. Haay. Pero di ko alam kung hanggang kelan, Dee. Sobrang nasaktan ako nung nakita ko sila. Di mawala sa isip ko yun, Dee. Minsan iniisip ko nalang na baka namalik-mata lang ako na hindi si Josh yun.

Pero hindi, Dee. Siya yun. Si Josh.

Oo nga pala, Dee. Nawiweirduhan ako kay Mix. I mean, mas nawiweirduhan. Kasi these days, lagi niya kong pinupuntahan sa bahay. Di ko alam kung bakit. I keep on asking pero iniiba niya lagi ang topic.

At ang isa pang weird eh, everytime na pumupunta siya dito sa bahay ay may dala siyang cookies o hindi kaya cake. Di ko alam kung sadyang trip niya lang akong bigyan o alam niyang favorite ko yun kaya lagi niya kong dinadalhan.

Nagiging close na nga kami ni Mix dahil madalas na busy si Leia sa bago niyang boyfriend na si Rin. Pero kahit papano napapasaya ako ni Mix. Kahit may pagka-corny. Pero ang weird nya din minsan. 

Wala naman masyadong nangyari. Yun lang. Bye na! Magmomovie marathon pa kami nila Mix! Bye Dee :)

Ang may-ari ng notebook,

Savvy

Diary ng MaliitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon