Entry 17

87 1 0
                                    

Decmber 2, 2015 - 11:26 pm

Dee!

Ewan ko ba kung good news eto o bad news. Kaninang umaga, I ditched school kasi tinatamad ako. Oh diba, ang bait kong studyante! Pero hindi yun yung balita ko sayo, Dee. 

Nasa bahay ako at nag-fefacebook nang may nagtext sakin. Unregistered number kaya tinanong ko kung sino. Matagal bago siya nagreply─no, scratch that. Hindi siya nagreply, tumawag siya sakin. Naghesitate pa nga ako kung sasagutin ko o hindi pero I ended up answering the call.

Nagulat nga ako dahil si Joshua yun! Never pa kasi akong tinetext nun o tinatawagan. Okay, fast forward to the news. Eto mismo ang sinabi niya. Well, hindi mismo pero eto ang pagkakatanda ko:

"Nakakainis ka, alam mo yun Savvy? Hindi naman kita kaklase. Hindi din naman tayo magkaibigan. Hindi din naman tayo masyado close pero bakit pa sayo? (Tinanong ko kung bakit. Nagreklamo ako dito sa part na 'to.) Bakit pa sayo nahulog 'tong puso ko? Ahhh!! Nakaka-bading naman 'to! (Tumawa ako pero hindi ko pa din siya magets dito.) Siguro nagtataka ka kung bakit hindi kita inaasar nung mga nakaraang araw at umaakto ako na parang... weirdo? Ah ewan. Basta ganun! Sorry, kailangan ko umiwas. (Dito ako nagtanong kung ano ba talaga ang gusto niyang sabihin. Meron na akong hint sa oras na 'to pero ayoko mag-assume.)

"Kailangan ko umiwas dahil tuwing inaasar kita dati, kinakabahan ako at parang nagsoslow-mo ang paligid. Takte, nakakabading na talaga! Ganito ba pag inlove? Oo Savvy, I'm inlove with you and that's why I'm acting weird these past few weeks. Sinubukan kong umiwas pero ewan ko ba. Miss na miss kita. Savvy, sinasabi ko 'to dahil nababaliw na ako dito sa bahay dahil sa kakaisip sayo. Kating kati na akong umamin pero hindi ko alam kung paano. Kaya liit, eto ako ngayon, umaamin sa isang maliit na katulad mo. Mahal na talaga kita. (Speechless ako dito. Narinig ko ang malalim na buntong hininga niya.) Hindi ko naman talaga hinhingi o hinihiling sayo na mahalin mo din ako pabalik eh. Pero kung pwede, edi mas maganda."

And that's all. Ay mali, meron pa pala. Yung tinanong niya ako kung pwede ba siyang manligaw and for I don't know times, ang bading daw pakinggan nun. Sabi ko naman sakanya na pag-iisipan ko.

Dee, naguguluhan ako pero di ko alam kung bakit. Joshua, my childhood friend, confessed to me. Ow, alam ko na ang ikinakagulo ng utak ko. Kung mahal ko ba siya o hindi. AGH! Dee, help me. Huhuhuhu.

Ang may-ari ng notebook,

Savvy

Diary ng MaliitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon