December 8, 2015 - 10:32 pm
Dee!
Ngayon nga pala yung Christmas play namin. Nakalmiutan ko sabihin sayo kasi.... Ah basta. Ayun na nga, kanina yung Christmas play and guess what? Kasali pala si Leon dun! Siya yung parang head ng isang store kuno.
Since wala si Leon at may sakit siya, may ibang pumalit. And guess what ulit, Dee! Si Josh ang pumalit. Hindi ako makapaniwala! Paano siya napunta sa school namin? Hindi ko alam!
At ang malupet pa dun, pagkatapos ng play ay kinantahan pa ko. Okay, aaminin ko, medyo kinilig ako dahil first time yun tapos public pa! Kaya ayun, pinagalitan ko siya dahil nakakahiya sobra yung ginawa niya! Pero alam mo ba ang ginawa niya dahil ang daldal ko? Aba, siguro alam mo na yun dahil wala siyang originality! He. Stole. A. Kiss. Pero imbes na magalit ako ay napangiti ako. Nababaliw na ba ako?
Dee, masasabi na bang love na 'to? Kasi feeling ko... Oo.
Ang may-ari ng notebook,
Savvy

BINABASA MO ANG
Diary ng Maliit
Teen Fiction2014 © noodlerella | Ano nga ba ang nasa loob ng diary ng maliit? Kalandian, pamilya, school, teachers, kaibigan, o height? Tara na't samahan natin si Savvy sa pagiging maliit niya!~