November 1, 2015 ─ 10:25 pm
Dee,
Hindi ka naman usa kaya di na kita tatawaging DEAR. Haha. K, ang korni.
Natakot ako kanina, Dee. Nasa sementeryo kami. Kahit maaraw, ang creepy pa din. Kahit maraming tao, natatakot ako. May phobia ba dito? Pero nung kinausap ko si Lolo sa puntod niya, nawala lahat ng takot ko. Parang niyakap niya ako sa mga oras na yun. Naiyak din ako. Syempre, miss ko na si Lolo eh.
Dun na din kami kumain. Parang nag-picnic lang. Tapos nung hapon, paalis na kami dun, nadaanan ko yung isang pamilyar na lalaki. Inisip ko pa kung sino yun kaya napatagal tayo ko. Siya yung nakabanggaan ko. Yung lalaking parang may lahi. Grabe, ang hot niya tignan nung nakaupo siya dun.
Pagkauwi naman, di parin mawala sa isip ko yung lalaking yun. Inaya ako nung pinsan ko na sa bahay namin nag-sstay dahil parehas kami ng school. Mas malapit kasi bahay namin kesa sakanila. 7 years old na si Via.
Inaya niya akong mag-trick or treat so kinailangan ko pang mag-make up at mag-costume para di sya umiyak. Nakakaawa eh. Haha. Tsaka nakakamiss na din magganun. Kahit nakakahiya.
Sige, yun lang yung nangyari ngayon. Bukas nalang ulit! Bye, Dee! ;)
Ang may-ari ng notebook,
Savvy
P.S. Vampire yung cinostume ko. Ang cute nga daw sabi nung mga tao sa bahay na pinag-ttrick or treatan namin. :D
P.S.S. Mukhang grade school daw ako. =( <//3

BINABASA MO ANG
Diary ng Maliit
Teen Fiction2014 © noodlerella | Ano nga ba ang nasa loob ng diary ng maliit? Kalandian, pamilya, school, teachers, kaibigan, o height? Tara na't samahan natin si Savvy sa pagiging maliit niya!~