Entry 26

54 3 3
                                    

December 25, 2015 - 1:20 am

Dee!

Pasko na! At soooobrang saya ko kasi dito nagcelebrate samin ang pamilya nila Josh. First christmas with him. Keleg keleg! Hahaha.

Nagbukas na din kami ng mga regalo. Regalo ko kay Josh, ballpen. Dejk. T-shirt na may pangalan ko yung regalo ko sa kanya. Hihi. Isang napakamahal naman na necklace ang niregalo niya sakin. Napakamahal. Kanina pa nga niya pinagduduldulan na mahal yung kwintas eh. -_-

Niregaluhan naman ako ng ate ni Josh ng heels. Para alam niyo na, tumangkad-ehem-ako. =___=

Pero eto ang malupet. Meron akong nakitang regalo sa tabi ng study table ko sa room ko. Tinanong ko kung sino ang naglagay nun pero wala silang alam. If I'm correct, may pumasok sa kwarto ko through my window. Kinilabutan ako, swear!

Naghehesitate nga ako na buksan yung regalo kasi baka may bomba o whatever. Pero binuksan ko na din at nagulat ako sa nakita ko. Isang necklace na may initials na V.N. 

Hanggang ngayon hawak ko pa din yung necklace at iniisip kung ano ba ibig sabihin ng VN. Pamilyar pero di ko talaga maalala. Sigh.

Sige na Dee. Nababaliw na ko sa kakaisip kung ano ibig sabihin nito. Itutulog ko nalang 'to.

Ang may-ari ng notebook,

Savvy

Diary ng MaliitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon